^

Police Metro

PDEA sa publiko; Mag-iingat sa chocolate, lollipop na may ‘magic mushrooms’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
PDEA sa publiko; Mag-iingat sa chocolate, lollipop na may ‘magic mushrooms’
The varieties of mushroom species also known as "magic mushrooms". The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) on May 24, 2024.
PNA/ Photo courtesy of PDEA

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko kasunod nang pagkakakumpiska ng mga lollipop, chocolate bar, at gummy bear na pinaniniwalaang may halong ‘magic mushrooms’ na isang mapanganib na droga sa isinagawang buy-bust operation noong May 18 sa isang beach resort sa Brgy. Galongen, Bacnotan, La Union.

Nabatid na pitong katao kabilang ang isang dayuhan ang naaresto kung saan kasama sa nakumpiska ang marijuana, ecstasy, at cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P145,000.

Ayon sa PDEA, bukod sa panganib sa kalusugan, ipinagbabawal din ito sa ila­lim ng batas ng Pilipinas.

Batay sa imbestigas­yon, itinatanim ng mga suspek ang mga mushroom habang aktibong isinusulong ang paggamit ng microdosing para sa panggamot.

Lumilitaw sa pag-aaral ng PDEA na ang magic mushrooms ay nagtataglay ng Psilocybin na ipinagbabawal ng Dangerous Drugs Board.

Sinabi ng PDEA na ang mga nahuling suspects ang mismong gumagawa ng mga nasabat na droga at ibinebenta kung saan pinalilitaw ng mga ito na ang kanilang produkto ay may therapeutic benefits na inilalabas sa social media at iniindorso pa ng ilang kilalang influencers.

Ibinebenta rin nila ang mga mushroom sa pamamagitan ng social media na umano ay may “therapeutic benefits.”

Pinaigting na ng PDEA ang kanilang pagbabantay sa mga psychedelic mushroom at nanawagan sa publiko na agad na ipag­bigay-alam sa ahensiya ang anumang impormas­yon tungkol dito.

vuukle comment

PHI­LIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with