^

Police Metro

15-anyos dalagita ginulpi ng policewoman, kaanak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Huli sa akto na kasama ng ka-live in…

MANILA, Philippines — Isang Aleng pulis at kaanak nito na menor de edad ang inaresto ng mga otoridad habang pinaghahanap ang isa pa matapos pagtulungang bugbugin at paluin ng baril sa ulo ang isang 15-anyos na dalagita na umano’y nobya ng ka-live in ng una, naganap kahapon ng madaling araw sa isang apartelle sa Brgy. Bago Bantay, Quezon City.

Himas-rehas ang suspek na isang 48-anyos na Aleng pulis at isang menor de edad na kaanak nito matapos kasuhan ng slight physical injuries batay sa ilalim ng RA7610. Habang ang ikatlong suspek na kaanak nito na si Gerald Ramos, 18, ng No. 77 Palawan St. Brgy. Bago Bantay ay pinaghahanap.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Ara Grace I Merino ng Quezon City Police District- Project 6 Police Station15, nangyari ang insidente, alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng Congressional Apartelle, Project 8, Quezon City.

Lumilitaw na paa­lis na ng apartelle ang biktima nang mahuli sa akto ng babaeng pulis na kasama nito ang kanyang ka-live.

Dahil dito, pinagsasampal sa mukha, sinipa sa tiyan ng pulis ang biktima at hindi pa nakuntento ay sinakay pa ng Aleng pulis ang biktima sa kanyang kotse at sinundo ni Ramos kung saan pinalo naman umano ng huli ang dalagita ng baril sa ulo.

Dinala ng mga suspek sa No. 77 Palawan St., Brgy. Bago Bantay ang biktima at doon ay muli umanong pinagtulungang bugbugin hanggang sa mawalan ng malay.

Sa kabila ng mga bugbog sa katawan at ulo, nagawa ng biktima na makatakas at makahingi ng tulong sa barangay dahilan para maaresto ang Aleng pulis at kaanak nitong menor de edad.

Ayon sa pulisya, posible ring managot sa kaso ang ka-live in ng Aleng pulis.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with