^

PSN Showbiz

‘Pambubugbog’ ni Mark kay James, pinagpipiyestahan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naging controversial ang sinabi ni Mark Herras patungkol kay James Reid dahil hindi raw nambabati ang huli sa mga kasama sa Sunday All Stars. Pero nagbibiro lang ang leading man ni Jennylyn Mercado sa Rhodora X, walang dapat ikagalit sa kanya ang fans ni James.

Pero aminin ninyong kare-act-react ang sinabi ni Mark na bubugbugin niya si James nang i-suggest ng press na nahihiya lang itong mambati at dapat siya ang mauna. Hahaha!

Anyway, last three weeks na lang ng Rhodora X at kahit sila Mark, hindi pa alam kung paano ito magtatapos.

After ng taping ng Rhodora X, sasabak na si Mark sa mas ma­tinding workout para maganda ang katawan niya pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash.

Pero sa May 14, kalilimutan muna ni Mark ang taping at gym dahil binyag ng baby girl niyang si Ada. Very proud nitong ipinakita ang picture ng baby girl niya sa kanyang cell phone at lalong natuwa nang sabihin naming kamukha niya ang baby.

Derek pumayag maging supporting sa indie

Kinumpirma na ni direk Mike Tuviera na kasama sa cast ng The Janitor, entry niya sa Director’s Showcase ng 2014 Cinemalaya si Derek Ramsay. Ga­gampanan nito ang role ng lider ng bank robbers na hahantingin para patayin ni Dennis Trillo.

First indie film ito ni Derek at first anti-hero role, kaya sabi ng manager na si Jojie Dingcong, excited ang aktor.

Kasama rin nila si Richard Gomez bilang police officer at narito rin sina Dante Rivero, LJ Reyes, Alex Vincent Medina.

Chef Boy dumudugo ang ilong kay Donita

Nakakatuwa ang description ni Chef Boy Logro sa co-host niya sa Basta Every Day Happy, ang morning talk/variery show ng GMA7 na magsisimulang umere bukas, bago ang The Ryzza Mae Show.

Nano-nosebleed daw siya kay Donita Rose dahil English speaking ito, pero mas maganda ito sa kanya dahil mamo-motivate siya na paghusayan pa ang alam sa English.

Si Alessandra de Rossi naman ay masarap katrabaho, hindi siya nailang at sa simula pa lang, kabiruan na niya ito at parang tatay ang turing nito sa kanya. May chemistry daw silang dalawa at importante ito sa magkakasama sa show.

Bilib naman siya kay Gladys Reyes dahil parang memorized na agad ang script at motivation ito sa kanya para hindi maiwanan sa husay ng mga kasama.

Dahil chef sina Boy at Donita, sila ang bahala sa pagluluto  at biro ni Alessandra, siya ang tagakain, pero nagluluto rin siya. Hindi lang kasing husay ng dalawang kasama sa morning show.

Petra Halimuyak, ‘babu’ na

Iiwan na ni Ashley Rivera ang pangalang Petra Mahalimuyak na nagpasikat sa kanya dahil gusto nitong makilala siya sa tunay niyang pangalan. Kaya sa April cover ng FHM, ang real name na ang gamit ng dalaga.

Desisyon din daw ni Mr. Vic Del Rosario ng Viva Entertainment na ang real name na niya ang kanyang gamitin at ipa-package siyang funny and sexy actress, mala-Rufa Mae Quinto. Dahil nagsimula siyang nagpapatawa, keri ni Ashley ang bagong ima­ge at umaasa itong magugustuhan siya ng tao.

Three years ang naunang kon­­trata ni Ashley sa Viva at nag-renew siya ng another five years, ganu’n kalaki ang paniniwala ng Viva sa kanya na tatapatan niya ng hard work at professionalism.

Magiging busy sa TV at mo­vies si Ashley, kasama siya sa pe­likulang The Gifted at co-host ni Fabio Ide sa TV show na Dobol or Samting ng Viva TV.

As for her first men’s magazine cover, pasabog daw agad ang ginawa niya sa FHM at ginawa niya ito bilang investment. “To get more projects and to gain more followers” very confident na sabi ni Ashley.

 

vuukle comment

ALEX VINCENT MEDINA

ASHLEY

DAHIL

NIYA

PERO

RHODORA X

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with