^

PSN Showbiz

Heart may wish sa kasal ni Echo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi itinanggi ng Ms. Universe 3rd runner-up na si Ariella Arida na nagkakamabutihan sila ni Ervic Vijandre.

So far, masasabi raw niyang exclusively dating silang dalawa at wala naman daw siyang ini-entertain na manliligaw.

Masaya naman daw sila ni Ervic, pero hindi pa raw niya masasabing sila na.

Natutuwa naman siya sa sinasabi ni Ervic na siya raw ang isa sa inspirasyon ng model/actor.

PAK: Natawa lang si Heart Evangelista sa tanong namin kung inimbita ba siya sa kasal ni Jericho Rosales.

“Okay naman kami, pero wala naman kaming communication eh,” pakli ng actress/TV host.

Masaya naman daw siya para sa dating kasintahan. Hindi naman kailangang imbitahan siya. Pero “best wishes” ang mensahe niya para kay Jericho at Kim Jones.

BOOM: Successful ang opening ng 2014 Palarong Pambansa kahapon ng umaga. Sa kabila ng masaya at magarbong paghahanda ni Gov. ER Ejercito sa naturang event, may naririnig pa kaming intriga roon na tinanong namin kay Gov. ER.

Ang dinig namin, pagkatapos daw ng Palarong Pambansa ay maaring haharap daw ang Laguna governor sa malaking isyu na maaring makasira sa kanya. Pero itinanggi niya ito.

“Wala na ‘yun pinasisikat lang nila ako lalo. Abangan n’yo na lang ang susunod ko na gagawing pelikula, ang Magnum 357 ng Da King nating si Fernando Poe Jr.,” mabilis niyang sagot.

Sabi niya, tapos na raw siya sa ganung intriga, at maayos daw ang pamamalakad niya ngayon sa lalawigan ng Laguna.

 

vuukle comment

ARIELLA ARIDA

DA KING

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

FERNANDO POE JR.

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

KIM JONES

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with