^

PSN Showbiz

RabGel, may follow-up na RomCom!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
RabGel, may follow-up na RomCom!
Rabin Angeles and Angela Muji
STAR / File

Pagkatapos ng tagumpay ng DAP

MANILA, Philippines — Bonggang-bongga ang success ng romantic drama series na Dating Alys Perez starring Rabin Angeles and Angela Muji.

At isang malaking tagumpay pati ang finale episode nito sa Viva One na nagkaroon pa ng special screening sa Eastwood Cinema 6 last Saturday kasama ang buong cast at direktor na si Crisanto B. Aquino.

Grabe ang ayuda ng RabGel loveteam sa kanilang loyal fans na sumugod at pinuno ang buong sinehan upang sabay-sabay na panoorin ang pagtatapos ng ser­yeng kanilang kinapitan.

Kaya binging-bingi ang mga nanood sa tilian ng fans lalo na sa mahabang kissing scene ng dalawa.

Na ayon kay Direk Crisanto, sa talkback session after the preview kung ilang takes inabot ang long kissing scene ng dalawang bida: “One day, two cameras, 360. Pero siyempre, before nag-360, merong naunang hindi naka-300. So, parang 2 or 3 times nilang inulit. Pero ‘yung pinakamahaba, of course, ‘yung 360,” pagde-detalye ng direktor.

At nang tanungin ang RabGel kung ano ang pakiramdam nila na finale episode na, sobrang happy and thankful daw nila lalo na nga sa kanilang supporters na hindi bumitiw mula umpisa ng palabas.

“And I’m just so grateful for everything na parang ‘wow, this is actually real.’ Hindi pa nga siya nagsi-sink in, sa totoo lang. So, ayun. It’s just surreal to me,” sabi ni Angela na feeling nostalgic dahil parang kailan lang ay nag-premiere lang sila ng Seducing Drake Palma, ang nauna nilang serye before Dating Alys Perez kung saan nga ipinanganak ang RabGel loveteam.

Kaya naman may kasunod na ulit sila na project.

Pero ayaw pa nilang magbigay ng detalye.

Basta isang rom-com daw.

Samantala, dumalo naman sa finale episode special screening ang iba pang cast na sina Zeke Polina, Julienne Rosello, Gab Evangelista, Frost Sandoval, Mico Chua, Ethan David at ang creator na si Ariesa “Beeyotch” Domingo.

ANGELA MUJI

RABIN ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with