Misis ikinukulong sa patahian
MANILA, Philippines - Lampas walong oras sa isang araw kung magÂtrabaho si Norma sa isang patahian. Ngunit hindi nasusuklian ang kanyang pagsisipag dahil bukod sa mababang sweldo ay wala rin siyang natatanggap na benepisyo. Ang mas masaklap, ikinukulong pa siya ng kanyang amo sa patahian.
Tunghayan ang Bistado sa pangunguna ni Julius Babao ngayong Lunes (Mayo 5) sa kanilang pag-ayuda sa ginang kasama ang awtoridad.
Anong parusa ang naghihintay sa abusadong amo ni Norma?
Ilalantad din sa episode ang diskarte ng isang kawatan na nagpapanggap bilang mangangalakal ng basura. Nahuli sa CCTV (closed-circuit television) camera ang pagsalakay nito sa isang burger house.
Flying saucer adobo at iba pa sa bawal ang pasaway
Bahagi na ng kasaysayan ng bansa ang Aristocrat na ngayon ay halos walong dekada na.
Maging si Prof. Solita Monsod, paborito ang resÂtawran na ito na siyang nagpasikat ng Flying Saucer with Adobo Filling.
Numero uno sa menu ng restawran ang chicken barbeque.
Itinatag ng pamilya ReÂyes noong 1936. Kinilala na ito bilang isa sa mga institusyon pagdating sa pagkaing Pinoy gaya ng pancit luglug, pancit canton, lumpiang uÂbod, lumpiang shanghai, diÂnuÂguan, arroz caldo, at halu-halo.
Dahil sa tagal na ng resÂtawran, nakasanayan na ito ng Pilipino mula sa lahat ng antas ng buhay. Nang pumasyal dito si Prof. Monsod, kabilang sa mga kumakain ay si Rep. Imelda Marcos ng Ilocos Norte. Maging mga dating pangulo ng Pilipinas ay regular customers ng restaurant.
Pero nang simulan nina Alex at Engracia Reyes ang restawran, isa lang itong rolling store. Ngayon ay may 13 branches na ito sa iba’t ibang panig ng Luzon. Ang puwesto nito sa Roxas Boulevard ay isa nang landmark sa naturang kalye sa harap ng Manila Bay.
Ngayon ay nasa pangatlong henerasyon na ng Reyes ang nagpapatakbo ng restawran. Ano ang mga bagong gimik ng pamilya para magtagal pa ang restawran.
Ilan lamang yan sa rekado ng masarap na usapan sa pagitan ng kasalukuyang pinuno ng The Aristocrat na si Gng. Priscila Reyes-Pacheco at ni Prof. Solita Monsod ngayong Lunes, May 5, 10:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.
- Latest




















