^

PSN Showbiz

Piolo at Shaina isang taon na raw mag-on!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tahimik pareho ang love life ngayon nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao magmula nang sila’y mahiwalay sa kanilang respective partners – sina KC Concepcion at John Lloyd Cruz.

Although napapabalita ang pagkakamabutihan ngayon nina Piolo at Shaina, walang kumpirmasyon na nagmumula sa dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.  Pero isang malapit sa pamilya ni Shaina ang nagbalita sa amin na mahigit isang taon na umanong magkasintahan sina Piolo at ang nakababatang kapatid ni Vina Morales na si Shaina.

Kung totoo ngang sina Piolo at Shaina na, sana’y mag-last ang relasyon ng dalawa.

Isabel proposal na lang ang hinihintay kay John

Proposal at kasal na lamang ang kulang sa relasyong John Prats at Isabel Oli. Mukhang sila na ang nakatakda para sa isa’t isa kaya sabik ang kanilang respective families and friends sa special announcement ng dalawa. Katunayan, mas pinangungunahan silang dalawa ng balita na malapit na umanong mag-propose ang kuya ni Camille Prats kay Isabel na ex-GF ng actor na si Paolo Contis (na hiwalay na rin sa kanyang wife na si Lian Paz.)

Freelancer na ngayon si Isabel kaya napapanood na ito sa ilang programa ng Dos.  Kung gugustuhin ng ABS-CBN, puwedeng magkasama sina John at Isabel sa isang TV and movie project.

Two years older si Isabel kay John who turned 30 last February 14.

Solenn excited maka-travel ng libre

Excited si Solenn Heussaff hindi lamang sa first team-up nila ni Vhong Navarro under Star Cinema na Da Possessed na dinirek ni Joyce Bernal kundi dahil sa kanyang bagong sinisimulang travel show sa GMA News TV, ang Isla which will bring her to various beautiful places ng Pilipinas and hopefully maging sa ibang bansa.

In real life, mahilig mag-travel at adventurer si Solenn kaya swak sa kanya ang kanyang bagong travel show.

Si Solenn ay hindi lamang in-demand bilang isang singer-actress kundi laluna sa kanyang pagiging celebrity endorser. 

Si Solenn ay nakatatandang kapatid ni Erwan Heussaff, ang boyfriend ni Anne Curtis.

GF ni Jake ipinangangalandakan ang kanilang relasyon

Kung open na ngayon ang relasyon nina Lovi Poe at Rocco Nacino na kamakailan lamang ay nag­liwaliw sa Europa, ganundin naman ang rumored ex-boyfriend ni Lovi na si Jake Cuenca sa kanyang Fil-Australian model girlfriend ngayon na si Chanel Olive Thomas na masipag mag-post sa kanyang Insta­gram account ng mga intimate photos nila.

Kung ganoon, ek-ek (o press release lang pala) ang pinalutang na panliligaw umano ni Jake sa na­ging kapareha niya sa nagtapos na Maria Mercedes na si Jessy Mendiola na tinigilan na rin ni Sam Milby ng kanyang panliligaw.

vuukle comment

ANNE CURTIS

CAMILLE PRATS

CHANEL OLIVE THOMAS

DA POSSESSED

ERWAN HEUSSAFF

ISABEL OLI

PIOLO

SHAINA

SI SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with