^

PSN Showbiz

Ikatlong rape complaint isinampa vs. Vhong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap muli sa kasong panggagahasa si TV host Vhong Navarro matapos magreklamo ang isang babaeng nakatrabaho niya sa piskalya ng lungsod ng Quezon.

Nakasaad sa affidavit ng umano’y rape victim na nangyari ang umano’y panggagahasa sa loob ng sasakyan ni Vhong noong 2009.

Sinabi ng biktimang nagtatrabaho bilang double ng mga artista na tinawag siya ng driver ni Vhong at pinapasok sa sasakyan kung nasaan ang “It’s Showtime” host.

“I did not think anything of it and I was not afraid to be alone with Vhong because we were taping with lots of other people around outside,” nakasaad sa salaysay.

Pinuwersa raw siya ni Vhong na mag-oral sex. Dagdag ng nagrereklamo na binantaan daw siya ni Vhong na kakagatin ang kanyang ari kapag hindi ginawa ang nais ng artista.

Sinabi pa ng complainant na ipinasok ni Vhong ang daliri sa kanyang ari.

“I did not tell anyone about what happened at the time because it was very painful, humiliating and shameful,” banggit ng umano’y biktima.

“After that day, I only shared this painful and humiliating experience to a handful of my really close friends.”

Aniya, hindi niya naisipang magreklamo noong una dahil sa paniwalang walang kahihinatnan ang kaso dahil maimpluwensiyang tao si Navarro.

“It is only now that I am coming out to tell my story because I was inspired by the courage of other women who are coming out now to seek justice and to tell the truth about Vhong,” wika ng nagrereklamo.

Nitong Enero ay naging laman ng balita si Navarro matapos bugbugin ng kampo ng negosyanteng si Cedric Lee at modeling si Deniece Cornejo na umano’y ginahasa ng TV host.

KInasuhan ni Cornejo si Navarro ng rape, habang isang dating beauty pageant contestant ang lumutang ang nagsampa rin ng kasong panggagahasa sa artista.

vuukle comment

ANIYA

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

NAVARRO

NITONG ENERO

SINABI

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with