^

PSN Showbiz

Nikki in love na sa non-showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

After her almost one year of separation sa kanyang dating nobyong si Billy Crawford, nakapag-move on na si Nikki Gil and is ready to fall in love again. May balitang Nikki is seeing a non-showbiz guy, Ateneo graduate, at meron na itong trabaho.

Aminado ang singer-actress wala na ang dulot na sakit ng kanilang paghihiwalay ni Billy. Ayaw ding mag-comment ng singer-actress tungkol sa dating BF at bagong nililigawan o nobya na ngayon na si Coleen Garcia ng It’s Showtime.

Magkasama sina Nikki at Billy sa ASAP every Sunday pero hindi pa rin sila nag-uusap hanggang ngayon.

Jake hindi nakapasa kay Jessy?!

US-born actor Jake Cuenca is one of the busiest actors in town. Hindi talaga siya nawawalan ng project mapa-pelikula at telebisyon man. Last year ay naka­gawa siya ng tatlong pelikula, Tuhog, Status: It’s Complicated, at When the Love is Gone at huli naman siyang napanood sa telebisyon sa pamamagitan ng local version ng Maria Mercedes na pinagtambalan nila ni Jessy Mendiola.

Sa unang quarter ng taong 2014 ay may bago siyang teleserye, ang Ikaw Lamang na pinagsasamahan nila nina Coco Martin, Kim Chiu, at Julia Mon­tes at ang isa sa pinakamagandang balita ay ang kanyang international nomination bilang best actor sa ongoing 4th Queens World Film Festival sa Jackson Heights, Long Island, USA para sa pelikulang Nuwebe na nominado bilang best actor (female category) ang batang aktres na si Barbara Miguel. Ang nasabing international filmfest ay nagsimula last March 4 at magtatapos na bukas, March 9. Iikot din ang Nuwebe sa iba’t ibang international film festivals tulad ng 13th Rome Independent Film Festival na gaganapin sa Rome, Italy on March 16-23, CinemAsia Film Festival sa Amsterdam, The Netherlands on April 1-6 at Festival Cinematografico International sa Monteviejo, Uruguay on April 10-20.

Samantala, balitang hindi nakapasa si Jake sa panliligaw kay Jessy Mendiola.

vuukle comment

BARBARA MIGUEL

COCO MARTIN

COLEEN GARCIA

FESTIVAL CINEMATOGRAFICO INTERNATIONAL

FILM FESTIVAL

IKAW LAMANG

JACKSON HEIGHTS

JAKE CUENCA

JESSY MENDIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with