^

PSN Showbiz

Kung kelan babalik na raw sa ABS-CBN Meryll tinanggalan ng sustento ni Willie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin daw nag-uusap ang mag-amang sina Willie Revillame at Meryll Soriano mula nang tanggihan ng huli ang alok ng aktor na siya na lamang ang mag-asikaso ng kanilang mga negosyo. Ayon naman kay Meryll, hindi pa naman daw napapanahon para sa kanya at gusto rin niya munang tapusin ang pag-aaral sa ibang bansa.

“We’ve had our differences because he wants me now and I really cannot. I want to be deserving of that because it’s such a big responsibility and I really just want to finish school before I take that under my wing,” paliwanag ni Meryll.

Napabalitang napatigil din daw ang aktres sa pag-aaral nito sa London, England dahil itinigil na ni Willie ang pagtustos dito.

Samantala, may bulung-bulungan na posible raw magbalik ang TV host-actor sa Kapamilya Network at nabalitaan din ito ni Meryll.

“My father naman has always been wise with his decisions. So, kung anuman ang magiging desisyon niya, I’m going to be happy to know that he’s back with ABS-CBN because they’re perfectly compa­tible,” nakangiting pahayag ng aktres.

Ngayon ay abala na si Meryll sa teleseryeng Ikaw Lamang na malapit na ring mapanood sa Primetime Bida. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu, Coco Martin, Julia Montes, at Jake Cuenca.

Anne ayaw magplano sa Valentine’s day

Malapit nang mapanood ang pinakabagong teleserye ni Anne Curtis na Dyesebel. Sobrang excited na raw ng aktres ngayon pa lamang.

“I think ’yung excitement kasi is over powering ’yung kaba. Forever namang nandiyan ang kaba kahit ano ’yung gawin ko kinakabahan talaga ako. May energy ka to do the swimming and pag-aralan lahat para ma-perfect mo at hindi mo ma-disappoint lahat ng mga taong nag-aabang ng Dyesebel. Lahat ng bawat post ko sa Twitter or Instagram ko, nakikita ko kung gaano sila ka-excited kaya talagang pinagbubutihan ko lahat,” pahayag ni Anne.

Pinaghandaan daw talaga ng dalaga ang kanyang role sa nasabing serye.

“Nagte-training ako ng swimming and pati ’yung breathing methods kung paano hihinga nang mas matagal ang breath sa ilalim ng tubig. Of course, nagda-diet ako para sexy,” natatawang pagbabahagi ni Anne.

Samantala, sa nalalapit na Valentine’s Day ay hindi pa alam ng aktres kung paano nila ito ipagdiriwang ng kasintahang si Erwan Heussaff.

“Sobrang okay kami, happy. Siyempre hindi ako magpaplano n’on kaya I’ll just wait and see pero siyempre kailangan rin naman nating magbigay ng time for that,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

COCO MARTIN

DYESEBEL

ERWAN HEUSSAFF

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

JULIA MONTES

KAPAMILYA NETWORK

MERYLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with