^

PSN Showbiz

Kim mas palaban sa halikan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Bride for Rent nina Xian Lim and Kim Chiu na magsisimulang mapanood sa mga sinehan ngayong Miyerkules.

Same formula sa nauna nilang hit film na Bakit Hindi Ako Crush ng Crush Ko ang Bride for Rent kaya kikilig-kiligin din ang fans ng magka-loveteam na hindi pa nauuwi sa totohanan ang relasyon. Nag-e-enjoy lang daw sila sa isa’t isa pero ayaw nilang i-push na maging sila na.

Pero bilang mag-asawa sa pelikula, meron silang mga kissing scene at mas palaban si Kim.

Major support nila si Ms. Pilita Corrales sa pelikula.

Piolo at Toni may kilig pang ipapakita

Ang lakas ng kilig factor ng trailer ng pelikula nina Piolo Pascual and Toni Gonzaga na Starting Over Again. Base rin sa trailer, parang exciting at hindi palasak ang kuwento ng pelikula ng Star Cinema.

May kakaibang chemistry sila at kahit malabong maging sila, sa napanood ko sa trailer hindi put on ang kilig sa kanila. Alam ng lahat kung gaano ka-in love si Toni sa boyfriend si Direk Paul Soriano. Eh si Piolo ay nag-declare na maghihintay na lang siya ng tamang babae dahil priority niya naman ang pag-aasikaso sa anak niya. Kung kailan darating, ‘yun ang hihintayin natin.

 

vuukle comment

BAKIT HINDI AKO CRUSH

CINEMA EVALUATION BOARD

CRUSH KO

DIREK PAUL SORIANO

GRADED B

MS. PILITA CORRALES

PIOLO

PIOLO PASCUAL AND TONI GONZAGA

STAR CINEMA

STARTING OVER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with