^

PSN Showbiz

Mga nega bawal sa bagong taon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy New Year!!

Isang masagana na Bagong Taon ang bati ko sa inyong lahat. Maging maganda sana ang takbo ng buhay ng lahat ng Pilipino sa 2014.

Ngayon ang unang araw ng taon kaya huwag tayong maging nega. Magpaka-positive tayo sa unang Huwebes ng 2014 at sa mga susunod na araw, linggo, at buwan.

Maka-recover na sana ang    ating bansa mula sa mga pinsala na iniwan ng malakas na lindol at ng typhoon Yolanda. Please lang, huwag nang magkaroon ng malalakas na bagyo at lindol sa ating bansa para makabalik na sa normal, kahit alam ko na imposible, ang pamumuhay ng mga kababayan natin sa Eastern Visayas.

Shamcey, Princess, at Direk Lino may common denominator

Bago natapos ang 2013, nagpakasal ang tatlong pares ng lovers: sina Shamcey Supsup at Lloyd Lee, Princess Velasco at Dr. Herbert Rosario, at Congressman Lino Cayetano at Fille Cainglet.

May common denominator ang tatlong couples, hindi sila mga artista pero naging laman ng mga entertainment column ang kanilang mga love story.

Beauty queen si Shamcey, singer si Princess, at volleyball player si Fille. Model si Lloyd, doktor si Herbert, at director-pulitiko si Lino pero nakipag-agawan ng space sa mga showbiz page ang kanilang mga love affair.

Hindi ko na uungkatin kung bakit naging controversial couple sina Princess at Herbert aka Bistek. Tama na ‘yung nagkabalikan at humantong sa kasalan ang kanilang relasyon, pagkatapos ng unos na pinagdaanan ng love affair nila noong 2009.

Hindi lamang sina Princess at Bistek ang lumagay sa tahimik. Nagpakasal din si Maricar Reyes sa singer na si Richard Poon. Bahala na kayong mag-connect the dots ’no?!

Direk Lino mabilisan ang pagpapakasal sa asawa

Ikinasal sa Cebu sina Lino at Fille. Talagang inilayo nila sa Metro Manila ang kanilang pag-iisang dibdib para mapanatili nila ang privacy.

Whirlwind ang romance nina Lino at Fille. Wala silang ipinagkaiba sa whirlwind romance nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia noong 1993.

May mga whirlwind romance and wedding na hindi nagtatagal pero sa kaso nina Lino at Fille, mukhang pang forever ang kanilang pagsasama.

Jessica napapadalas na sa Pilipinas

Bumalik sa Pilipinas si Jessica Sanchez noong Dec. 30 dahil sa New Year’s Eve concert niya Eastwood City, Libis, Quezon City.

 Tuwang-tuwa si Jessica dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makadalaw mula sa bansa na sinilangan ng kanyang ina. Naririto rin si Jessica noong nakaraang buwan dahil tumulong siya sa pamimigay ng libreng hearing aids sa General Santos City at Batangas.

Napapadalas na ang pagbisita ni Jessica sa Pilipinas. Asahan natin na mauulit pa ang pagbabalik niya sa bansa na sinuportahan siya noon ng todo sa American Idol. It’s payback time for Jessica.

TJ hindi nababakante sa trabaho

Magsisimula ngayong January ang The Borrowed Wife ng GMA 7. Starring sa bagong TV series sina Camille Prats, Pauleen Luna, TJ Trinidad, at Rafael Rosell.

Hindi nawawalan ng project sa Kapuso Network si TJ na huling napanood sa Genesis.

Katatapos lang ng Ge­nesis pero may new TV show agad si TJ. Iba talaga kapag propesyonal at magaling ang artista.

Sa title pa lang, obvious na tungkol sa misis na hi­niram ang kuwento ng The Borrowed Wife.

Hulaan n’yo na lang kung sino kina Camille at Pauleen ang borrowed wife. Hindi borrowed girlfriend ha?

AMERICAN IDOL

BORROWED WIFE

DIREK LINO

JESSICA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with