^

PSN Showbiz

Jericho at Angel magpapakita ng totoong drama ng mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas matapang at mapangahas na family drama ang handog nina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera, at Angel Locsin sa pinagbibidahan nilang primetime teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang The Legal Wife.

Tampok sa serye ang mga totoong pinag­da­raanan ng mga mag-asawa at kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa at sa kanilang pamilya. Ang The Legal Wife na mapapanood na sa Enero 2014 ay sa ilalim ng direksiyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Pinagsama-sama ng serye ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Christopher de Leon, Rio Locsin, at Mark Gil.

Huwag palampasin ang full trailer launch ng The Legal Wife ngayong Miyerkules (Enero 1), pagkatapos ng Honesto sa ABS-CBN Primetime Bida. 

 

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANG THE LEGAL WIFE

ANGEL LOCSIN

DADO LUMIBAO

ENERO

JERICHO ROSALES

JOEM BASCON

LEGAL WIFE

MAJA SALVADOR

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with