^

PSN Showbiz

Paulo gustung-gusto na magpaka-ama

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung napabilang si Paulo Avelino sa top-rating TV drama series na Walang Hanggan na may pagka-offbeat ang kanyang ginampanang role, masayang-masaya rin siya na kasama siya sa ongoing teleserye na Honesto na isa ngayon sa mga tinututukan ng mga manonood sa tele­bisyon. Bukod sa may positive values ang Honesto, gustung-gusto ni Paulo ang kanyang role bilang ama ng batang bida na si Raikko Mateo na siyang gumaganap sa title role na Honesto. 

Magkasundung-magkasundo ang dalawa bilang mag-ama sa serye. Sa tunay na buhay ay isa ring ama si Paulo ng isang batang lalaki, si Ethan, sa ex-girlfriend niyang si LJ Reyes. Nagkahiwalay man sila ni LJ, ginagampanan ni Paulo ang pagiging ama sa kanyang anak.

Alden nawala ang hiya kay Marian

Sa darating na Miyerkules ang last taping ng Akin Pa Rin ang Bukas na magtatapos na sa unang linggo ng Enero at ito’y papalitan ng bagong serye ni Marian Rivera, ang Carmela na ididirek ni Dominic Zapata. Makakatambal ni Marian sina Alden Richards at Raymond Bagatsing kasama si Agot Isidro who plays the role of Marian’s mother.

Ibinalita sa amin ng award-winning veteran actress na si Gloria Romero (who turns 80 today, Dec. 16) na double time umano ang kanilang taping dahil malapit na ngang magwakas ang top-rating TV series na tinatampukan nina Lovi Poe, Rocco Nacino, Cesar Montano, Solenn Heussaff, at iba pa, mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Masaya si Gloria sa bakuran ng Kapuso Network dahil hindi siya nawawalan ng TV project.  Puring-puri naman ang dating movie queen hindi lamang ni Direk Laurice kundi ng buong cast at production staff dahil sa pagiging mabait at professional nito sa kanyang trabaho. Kaya naman hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya at patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga proyekto, tinitingala, at iginagalang. Nakapag-cross over na rin si Gloria na makatrabaho ang iba’t ibang artista at mga director mula sa iba’t ibang heneras­yon.

Samantala, super excited si Alden sa unang tam­balan nila ni Marian at hindi niya ikinakaila na kinakabahan siya nung una dahil isa nang major star ang aktres kumpara sa kanya. Nagpapasalamat siya sa GMA management sa pagbibigay sa kanya ng napakalaking break. Inamin ng binatang aktor na nawala ang inhibitions niya kay Marian nang sila’y sumailalim ng workshop kay Direk Laurice.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

AKIN PA RIN

ALDEN RICHARDS

CESAR MONTANO

DIREK LAURICE

DOMINIC ZAPATA

GLORIA ROMERO

HONESTO

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with