^

PSN Showbiz

Charice: ‘Mahal ko po ang buhay ko’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay lumabas sa telebisyon ang lola ni Charice na si Teresita Relucio at nagsalita tungkol sa diumano’y tangkang pagpapakamatay ng apo dahil sa problemang pinansyal. Nagpadala naman ng opisyal na pahayag sa ABS-CBN ang international singer sa pamamagitan ng kanyang manager na si Glenn Aldueza. “Nitong mga nakaraang araw, pinilit kong manahimik kaysa sagutin ang tanong ng ilan kung totoo nga bang nagtangka ako ng suicide dahil wala na akong pera. Ngayon, pabubulaanan ko ang mga bintang. Mahal ko po ang buhay ko, lalo pa nga’t malaya ko nang naipapahayag ang totoong ako. At mayroon pa rin po akong naitatagong pera,” pahayag ni Charice.

Ngayon ay hindi pa rin nakakasundo ng singer ang kanyang pamil­ya partikular na ang inang si Raquel at kapatid na si Carl mula nang makipagrelasyon si Charice kay Alyssa Quijano.

Gayunpaman ay umaasa naman daw si Charice na mangyayari ang pinapangarap niyang magkakaayos ang kanilang pamilya. “Patul­oy pa rin po akong nagtatrabaho dahil mahal ko ang pamilya ko. Maaaring hindi maayos ang sitwasyon namin ngayon, pero umaasa po akong magiging okay kami sa nalalapit na panahon,” giit ng singer.

Magkasama ngayon sa iisang bubong sina Charice at Alyssa.

Dahil single na, Phil sa England magpa-pasko

Halos magkasunod na nagkahiwalay ang mga magkasintahang sina Phil Younghusband at Angel Locsin at sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Mula nang pumutok ang balita tungkol dito ay may mga nag-akala raw na may kinalaman si Luis sa paghihiwalay nina Angel at Phil.

Matatandaang na­ging magkarelasyon din sina Angel at Luis ilang taon na ang nakararaan. Ayon naman kay Phil ay alam nilang dalawa ng aktres kung ano talaga ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay kaya hindi na apektado ang Football superstar sa nasabing isyu. “Not really, right now I don’t really want to talk about it and I just want to concentrate on my football at the moment and spend time with my family. I know Angel nearly for three years. So she knows the truth and I know the truth,” makahulugang pahayag ni Phil.

 Ngayon ay magkaibigan pa rin daw ang dating magkasintahan at sinusuportahan pa rin ni Phil ang aktres sa lahat ng ginagawa nito. “Yes, we are friends and I still support her and no matter what she does. I will always be here to support her. I’ll watch The Legal Wife (bagong teleserye ni Angel). I’ll watch her movies. I want to support her,” giit ng binata.  Samantala, sa ibang bansa raw ipagdiriwang ni Phil ang nalalapit na Kapaskuhan. “Pupunta ako ng England for two weeks and then babalik ako pagkatapos ng New Year. I have not been back to England in the last four years. So I will be just seeing some friends in England and then I’ll be coming back,” pagtatapos ni Phil. Reports from JAMES C. CANTOS  

                                                                 

 

ALYSSA QUIJANO

ANGEL LOCSIN

CHARICE

GLENN ALDUEZA

JENNYLYN MERCADO

LEGAL WIFE

NGAYON

PHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with