^

PSN Showbiz

Arjo natupad ang pangarap kay Alex

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dream come true para sa baguhang young actor na si Arjo Atayde nang ibalita sa kanya na siya ang magiging leading man ni Alex Gonzaga sa bago nilang gagawing telerseye sa ABS-CBN, ang Pure Love.

Hindi ikinakaila ni Arjo na crush niya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga dahil sa pagiging bubbly  nito.  Since loveless si Arjo at wala din siyang alam na boyfriend ni Alex, hindi mala­yong magka-debelopan ang dalawa lalupa’t regular na silang magkakasama sa taping.  Gusto ni Arjo na makilalang mabuti si Alex dahil marami umano siyang naririnig na magagandang comments tungkol sa dalaga.

While malaking advantage ang pagiging anak ng aktres na si Sylvia Sanchez, gusto ni Arjo na makilala siya sa sarili niyang merito at hindi lamang bilang anak ni Sylvia Sanchez.

“I am proud of my mom and I even look forward to work with her in the future, pero siyempre, gusto ko ring makilala bilang ako as an actor,” aniya.

Ang Pure Love ay inspired ng Koreanovela na 49 Days.  Dahil dito, agad pinanood ni Arjo ang nasabing Korean TV series at sumailalim siya ng acting workshop.

Si Arjo ay pangalawa sa limang anak nina Sylvia at Art. 

Yasmien magpapaskong kasundo ang ina

Nagkatampuhan ang mag-inang Miriam at Yasmien Kurdi nang isang katoliko ang mapangasawa ng huli, si Rey Soldevilla.  Parehong Iglesia ni Kristo ang mag-inang Miriam at Yasmien kaya sumama ang loob ng ina ni Yasmien nang isang Katoliko ang makatuluyan ng kanyang anak.  Pero ang tampo at sama ng loob ng ina ni Yasmien ay nabura sa 1st birthday party ng kanyang kauna-unahang apo na si Ayesha Zara last November 24 na ginanap sa Royal Palm Residences sa Taguig City kung saan parehong dumalo ang respective lolas ng magkabilang kampo. 

Pero ngayong Pasko ayos na sila. Tuwang-tuwa siyempre si Miriam sa kanyang apo na napakaganda.  Tuwang-tuwa rin siyempre ang mag-asawang Rey at Yasmien sa pagdalo ng kanilang Mommy Miriam sa birthday ni Ayesha who turned 1 last November 22 pero ang birthday party ay ginawa two days later, November 24, araw ng linggo na dinaluhan din ng maraming celebrity parents and their kids.

vuukle comment

ALEX

ANG PURE LOVE

ARJO

AYESHA ZARA

MOMMY MIRIAM

PAREHONG IGLESIA

PERO

SYLVIA SANCHEZ

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with