^

PSN Showbiz

Robin Padilla goodbye na sa ABS-CBN, sasama na kay Mariel sa TV5?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang iwan ni Robin Padilla ang ABS-CBN. Tapos na ang kontrata niya rito. Sa ngayon ay namimili na lamang siya kung alin sa dalawa pang major television network ang pupuntahan niya.

Matatandaan na nanggaling na siya ng GMA7 at ang ABS-CBN nga ang aalisan niya, kaya mas malamang ay sa TV5 siya pupunta.

Naririto rin ang misis niyang si Mariel Rodriguez, kaya baka sa TV5 ay masunod na ang wish niya na magkasama silang mag-asawa sa isang programa.

Gusto rin niyang maka­­­­pagprodyus ng palabas sa TV at ito ang konsiderasyon na gusto niyang hilingin sa bagong network na tatanggap sa kanya. Katuwiran niya ay nagpoprodyus na siya ng pelikula at gusto naman niyang makapagprodyus din sa TV.

Megan hindi pa oras

Hindi pa oras ni Megan Young kung kaya nakaligtas ito sa isang tiyak na kapahamakan nang gumuho ang maliit na parang bahay na kinororoonan nila sa Haiti.

Bumagsak sila ng mga walong talampakan sa lupa, pero milagrong walang nangyari kay Miss World 2013, pero ang kasama niyang chairman ng Miss World na si Julia Morley ay hindi kasing suwerte niya. Inilipad ito ng ospital sa Miami, USA na kung saan ay mahigit limang oras itong inoperahan para maisauli ang kanyang nabaling balakang.

Ang pagdalaw sa mga orphanages sa mundo ay isang bahagi ng tungkulin ni Megan bilang Miss World.

Kris hindi sumusunod sa batas?!

Malaking bagay na for a Kris Aquino na mapagbintangang hindi sumusunod sa ipinag-uutos ng korte with regard  to her ex husband James Yap’s visitation rights to her son Bimby. Hindi mo mapupuntusan ang presidential sister pagdating sa bagay na may kinalaman sa batas.

May lumabas kasing balita mula sa  legal counsel ni James  na hindi tinutupad ni Kris ang napagkasunduan  nila ng dating asawa kaya hindi nagkikita ang mag-ama. Pero sa isang sulat na mula naman sa abogado ni Kris, sinabi nito na si James ang hindi sumusundo sa anak nito. Wala raw layunin si Kris na suwayin ang ipinag-uutos ng batas o ipagdamot ang kanyang bunso sa ama nito. Yun lang!

Angel nag-no. 1 sa pagandahan

Kasama sina Angel Locsin at Maja Salvador sa listahan ng  100 Most Beautiful Women in the Philippines, isang online poll na nilahukan din ng libu-libong fans sa Twitter at Facebook.

Tinalo ni Angel ang iba pang 99 Pinay para malagay sa pangunahing posisyon samantalang nasa ikatlong pwesto naman si Maja. Nasa ikalawang pwesto naman si Sarah Geronimo at  kasama sa 10 sina  Karylle (4), Kim Chiu (6), at sa 10 sina Bea Alonzo, Anne Curtis, Jewel Mische, at Jessy Mendiola.

Sina Angel at Maja ay kabilang sa major cast ng bagong serye ng ABS-CBN na The Legal Wife.

Hindi lamang ito tungkol sa pinagdaraanan ng isang legal wife na si Monica kundi maging ang iniisip niya’t nararamdaman bilang isang anak.

May malaking twist ang istorya, kung paano mabubuo ang love quadrangle na bubuuin din nina Jericho Rosales at JC de Vera, at kung bakit The Legal Wife ang titulo ng pelikula. Nasa direksiyon ito nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

   

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

DADO LUMIBAO

ISANG

LEGAL WIFE

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with