^

PSN Showbiz

Maraming alam 'BullyGretchen' nag-uumapaw ang galit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Walang pagod sa paninira kay Gretchen Barretto ang kanyang basher na nagtatago sa alias na BullyGretchen.

Kinukumbinsi ni BullyGretchen si Claudine Barretto na idemanda nito ang kapatid na pansamantalang naninirahan sa London, England.

Libelous pa rin ang mga comment ni BullyGretchen kay Gretchen at kung pagbabasehan ang kanyang mga sinasabi, parang kilalang-kilala nga niya ang aktres. Tama yata ang suspetsa ni Gretchen na hindi ibang tao si BullyGretchen kaya marami itong alam tungkol sa kanyang personal na buhay.

Punumpuno ng galit ang mga statement ni Bully­Gretchen laban kay Gretchen. Kulang na lang, isumpa niya ang aktres na palaban din dahil hindi nito pinalalampas ang mga pang-ookray sa kanya ng basher.

Misis ni Jinggoy ‘di pa makasunod

Tinatapos ni Precy Ejercito ang lahat ng kanyang mommy duties bago siya sumunod kay Sen. Jinggoy Estrada sa Amerika sa Biyernes, Nov. 8.

Hindi puwedeng magsabay sa biyahe ang mag-asawa dahil naka-confine pa sa ospital ang kanilang panganay na anak, si San Juan Councilor Janella Ejercito.

Sigurado naman na babalik si Papa Jinggoy sa Pilipinas sa Nov. 17 kaya hindi dapat seryosohin ang mga paninira na baka hindi na siya bumalik para makaiwas sa plunder case.

Bago siya umalis, ipinakita ni Papa Jinggoy sa mga miyembro ng media ang kanyang passport pero hindi ito ang napansin ko. Mas umagaw ng aten­siyon ko ang sosyal na passport case ni Papa Jinggoy.

Sa ayaw o sa gusto ni Papa Jinggoy, haharbatin ko ang kanyang passport case dahil siya na rin ang nagsabi na hindi na niya magagamit ang passport kapag natuloy ang pagkumpiska ng foreign affairs.

Sayang naman kung maluluma ang passport case kaya mas makabubuti na ibigay na lang ito sa akin ni Papa Jinggoy. May tao pa siya na napaligaya at ako ’yon!

LJ nagdabog, hindi matanggap si KC

Mabilis na kumalat noong Linggo ang balita na tinarayan ni LJ Reyes ang mga TV reporter na nag-interbyu sa kanya.

Alam ko ang buong kuwento dahil kabilang ang crew ng Startalk sa mga pinagdabugan ni LJ, pati ang crew ng Unang Hirit at 24 Oras.

Tao rin naman ang mga artista at meron din sila na bad hair days. Baka nagkataon na wala sa mood si LJ nang interbyuhin siya ng mga TV crew at hindi rin niya type ang isyu, ang panliligaw ng kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino kay KC Concepcion.

Hindi siguro ine-expect ni LJ na si KC ang ipapalit sa kanya ni Paulo, kahit siya ang sinasabi na nakipaghiwalay sa ama ng kanyang anak.

Ang panliligaw ni Paulo kay KC ang hudyat na nag-move forward na ang aktor at walang reconciliation na mangyayari sa kanila ni LJ.

Villa Quintana remake nakapagpa-impress

In fairness sa GMA, impressive ang pilot episode kahapon ng Villa Quintana, ang afternoon teleserye remake na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Sunshine Dizon, Raymart Santiago, Elmo Magalona, at Janine Gutierrez.

Active na pala uli sa showbiz si Anna Marin na may special participation sa Villa Quintana. Parang hindi nagbago ang kanyang hitsura na matagal-tagal din na nagpahinga sa pag-arte. Si Anna Marin ang nanay ni Ronian Poe na disc jockey na ngayon at punumpuno ng tattoo ang katawan. Half-brother si Ronian ni Lovi Poe.

vuukle comment

ANNA MARIN

CLAUDINE BARRETTO

ELMO MAGALONA

GRETCHEN

KANYANG

PAPA JINGGOY

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with