^

PSN Showbiz

Mga anak nina Raymart at Claudine binu-bully!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Marian Rivera ang special guest sa espesyal na episode ng One Day Isang Araw na pinamagatang Ang Secret ni Milette.

Kasama niya rito si Paolo Pingol ang batang may down syndrome na sa McDo commercial.

Naging close agad kay Marian itong si Paolo at in fairness, umaarte siya.

PAK: Sandaling nakausap namin si Marian sa taping ng One Day Isang Araw at nagtataka raw siya bakit napabalitang nagkabati na sila ni Rhian Ramos, gayung hindi naman sila nag-away.

Nagkausap daw sila sa birthday party ng anak ng reporter ng GMA 7 na si Aubrey Carampel, at wala naman daw problema.

Ang pagkakaalam namin, binigay ni Ma­rian ang cell phone number niya kay Rhian para kung meron mang intriga sa kanilang dalawa, kaagad nilang mapag-usapan.

Pero hindi na nagkuwento ang aktres kung ano man ang napag-usapan nila ni Rhian. Ang mahalaga, okay naman sila at ayaw na raw palakihin ito ni Marian para wala lang nega sa Genesis ni Dingdong Dantes na maganda ang feedback sa pilot episode nito.

BOOM: Hindi nakasipot sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa hearing ng Permanent Protection Order na ginanap sa Marikina Regional Trial Court kahapon.

Mga abugado lamang nila ang dumalo at sinagot naman nila ang ilang katanungang puwede lang mapag-usapan dahil kailangan pa rin nilang sundin ang gag order.

May nagkuwentong nabu-bully na raw kasi ang mga anak nina Raymart at Claudine dahil sa gulong ito. Kaya sabi ni Atty. Ferdie Topacio, mas gusto na nga raw sana nilang tahimik na lang at huwag nang pag-usapan pa sa publiko dahil mas apektado nga naman daw talaga ang mga bata.

                                                                 

vuukle comment

ANG SECRET

AUBREY CARAMPEL

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

FERDIE TOPACIO

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

ONE DAY ISANG ARAW

PAOLO PINGOL

PERMANENT PROTECTION ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with