^

PSN Showbiz

Erik ayaw tumandang binata!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malapit sa isa’t isa sina Erik Santos at Angeline Quinto kaya napababalitang mayroon na raw espesyal na namamagitan sa dalawa. “May balita ba? Sobra kaming magkaibigan and ‘yung nalampasan na namin ‘yung stage na getting to know each other,” natatawang bungad ni Erik.

“Napaka-espesyal ni Angeline sa buhay ko at ako naman special sa kanya. Thank you, just read between the lines. We’re very good friends,” makahulugang pahayag ng singer. Wala raw karelasyon ngayon si Erik pero nangangarap ang binatang makakatagpo rin ng babaeng para sa kanya. “Quiet lang ako. Ngayon I’m single and nagde-date naman ako pero hindi talaga siya nag-materialize kaya hayaan na natin. Matagal na ‘yun, iba rin siyempre ‘pag may love life. Ayoko naman maging single hanggang pagtanda,” giit ni Erik.

Samantala, sa November 9 na gaganapin sa PICC Plenary Hall ang inTENse: A Decade with the Prince of Pop. Magiging panauhin ni Erik sa nasabing concert sina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Aiai Delas Alas, Yeng Cons­tantino at Angeline Quinto.   

Richard at Jodi planong magnegosyo

Kamakailan ay isang bagong restaurant ang binuksan ni Ri­chard Yap. Hindi na raw bago para sa aktor ang ganitong negosyo dahil mayroon na siyang ibang mga naipundar na kainan noon pa man. “I don’t really mention it but I do have investments in the restaurant business. Even before show business, mga five to six years ago na. It’s still there, but I also have partners in those businesses. This was another opportunity presented to me and I really like the food at Wang Fu. So we decided on joining together and putting it up,” nakangiting pahayag ni Richard.

Unang nakilala ang aktor bilang endorser ng isang sikat na Chinese fast food chain at hanggang ngayon ay si Richard pa rin ang endorser nito. Wala naman daw problema sa management ng kanyang ini-endorso ang pagbubukas niya ng Chinese restaurant. “That is what you call a fast food or quick service restaurant. This is a real restaurant so it is not the same. And this is an investment, this is not an endorsement. So it is not the same thing,” paglilinaw ni Richard.

Katulad ng aktor ay may ilang negosyo na rin si Jodi Sta. Maria na kanyang katambal sa teleseryeng Be Careful With My Heart. Minsan daw ay napag-uusapan ng dalawa ang kanya-kanyang mga negosyo at naiisipan din nilang magsosyo balang araw. “We do talk about business and we have even talked about doing something together pero hindi pa   nagma-materialize. She is a very business-minded person,” pagtatapos ni Richard.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                      

 

 

vuukle comment

A DECADE

AIAI DELAS ALAS

ANGELINE QUINTO

BE CAREFUL WITH MY HEART

ERIK

ERIK SANTOS

JODI STA

NGAYON I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with