^

PSN Showbiz

International Choral Competition nagpapa-audition

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tagumpay ng mga Pilipinong mang-aawit sa YouTube at Reality TV sa Inglatera at Amerika, eto’t ang mga Aleman naman ang nais itampok ang pinakamagaling na mga koro dito sa atin. 

Nagtatawag na ang Manila Broadcasting Company (MBC) para sa qualifying auditions ng Sing n Joy Manila, ang international choral competition na gaganapin sa ating bansa sa katapusan ng taon, sa pakikipagtulungan ng Interkultur Ger­many (na siyang nagtatanghal ng World Choir Games), ng Philippine Choral Directors Association (PCDA), at ng Globe Telecom. Ang auditions ay gagawin sa ika-10 at 11 ng Agosto mula alas-9 ng uma­ga hanggang alas- 5 ng hapon sa Aliw Theater.  Sa Agosto 17 naman sa Baguio City; Agosto 23 sa Cebu; Agosto 31 sa Davao; at ika-7 ng Setyembre sa Iloilo. 

Inaanyayahan ang mga batikang children’s choir, mixed chorus, all-male, at all-female choirs na lumahok upang makuha ang mga entry slots para sa Filipino choirs na gagawaran ng MBC ng subsidy sa pagsali.  Lahat ng mga naging kampeyon ng MBC National Choral Competition mula 2007 hanggang 2012 ay inanyayahan na’ng pumasok sa contest proper.

Gaganapin sa Disyembre 11-15 ang Sing n Joy Manila, na magtatampok sa magagaling na mga choral groups mula sa iba’t bang bahagi ng mundo.  Bukas ito sa mga non-professional ensembles na gustong lumahok sa labanan ng classical, folkloric, pop-jazz, at sacred music.

Magkakaroon din ng mga friendship concert sa iba’t ibang mall, at mga workshop sa ilalim ng mga tinitingalang choral directors na sina Kirby Shaw (USA) at Jonathan Velasco (Philippines)

Bronze, Silver, at Gold Certificates ang igagawad sa bawat kategoriya.  Ang mga choir na may pinakamataas na score ay magla­laban-laban sa Grand Prix, kung saan ang over-all winner ay mag-uuwi ng limang-libong dolyar at ng championship trophy. 

Matatagpuan ang mga detalyadong guidelines ng Sing n Joy Manila sa website na www.interkultur.com. Ang mga nais mag-audition ay maaari na’ng humingi ng registration form at mechanics sa pamamagitan ng email sa [email protected].

Para sa regional auditions, makipag-ugnayan sa 0917.500.2109 (Baguio); 0917.627.3018 (Cebu); 0917.704.0527 (Davao); 0939.909.0191 (Iloilo); at  0932.287.5550 (Manila). Ang mga choir na hindi makakapag-audition ay maaring mag-apply ng de­retso sa Interkultur sa pamamagitan ng kanilang website.

vuukle comment

AGOSTO

ALIW THEATER

BAGUIO CITY

CEBU

DAVAO

GLOBE TELECOM

JOY MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with