^

PSN Showbiz

Amy Perez lumayas na sa TV5

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan na palang nag-good­bye si Amy Perez sa TV5.

Nagpadala the other night ng official statement ang kanyang iniwang network:

“TV5 Management and Ms. Amy Perez have mutual­ly agreed to part ways. TV5 res­pects the decision of Ms. Perez to leave the Network due to personal reasons. She had been a valuable talent of TV5. We wish her well and the best of luck in all her endeavors.”

Saan kaya sunod na mapapanood si Ms. Pe­rez?

Nabalita na hindi na makasundo ni Amy ang kanyang staff sa Face to Face. Pero may sari­ling version ng kuwento ang staff. Si Amy daw ang hindi nila nakasundo dahil demanding.

Ang original plan ng TV5 ay pagsamahin sila ni Gelli de Belen sa isang programa na ang concept ay patterned sa Face to Face kung saan original na nakilala si Amy at nang nabuntis ay nag-take over si Gelli. Pero pinalitan siya ni Christine Bersola dahil balitang tinanggihan ni Amy ang offer nang malaman na makakatrabaho uli niya ang inaayawan niyang staff.

At ngayon ay tuluyan na pala siyang lumayas sa pag-aaring network ni Mr. Manny Pangilinan.

Saan kaya siya pupunta?

Good luck!

Belle parang beauty queen kung rumampa

Parang beauty queen si Isabelle Daza nang rumampa sa launching ng kanyang perfume brand for Bench, Univers, na ang target nila ay para sa lahat – unisex – para sa men and women and bekis na rin.

Actually, nakakahinayang talaga dahil wala sa vocabulary niya ang sumali sa beauty contests. Kuntento na siya sa mga ginagawa niya sa showbiz.

Bukod sa ayaw niya, may nagkuwento na na­banggit daw ng kanyang mom na si Gloria Diaz sa ilang kaibigan na kontra rin siya.

Anyway, going back to Univers na mahaba ang naging process bago nila na-finalized ang nasabing pabango na ibinase ang pangalan sa isang old French word.

“Kasi gusto namin ’yung magugus­tuhan ng marami ang scent,” sabi ni Isa­belle na hanggang ngayon ay pinupuri ang acting sa pelikulang Lihis na ipinalabas sa Sineng Pambansa bilang isang titser na nagre-research tungkol sa nangya­ring massacre na ka­sama ang kanyang ama sa mga biktima.

Sosyal ang presentation ng Uni­vers, parang Hermes perfume ang bottle.

Very sexy ang pakiramdam niya sa amoy kaya confident siyang ma­gugustu­han ito ng maraming conscious sa ka­nilang amoy.

Ka-level na ni Belle sina Kris Aquino, Regine Velasquez, Gretchen Barretto, Lucy Torres-Gomez, Kathryn Bernardo, at Lovi Poe.

Pero sabi ni Belle wala namang pa­ta­lbugan sa kanila sa poder ng Bench.

vuukle comment

AMY PEREZ

CHRISTINE BERSOLA

GELLI

GLORIA DIAZ

GRETCHEN BARRETTO

ISABELLE DAZA

KATHRYN BERNARDO

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with