^

PSN Showbiz

Juday, ini-imagine na ang pangatlong anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napag-uusapan na raw ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang pagkakaroon nila ng pangatlong anak. Naiisip na raw ng dalawa kung ano ang magiging hitsura nito kumpara sa panganay na si Yohan at bunso nilang si Lucho. “Napag-uusapan pero it will happen if it will happen. Ayaw naming planuhin kasi kapag pinaplano mas lalong parang hindi binibigay,” bungad ni Judy Ann. 

Kung sakaling magbuntis ang aktres ay ipaaalam daw niya kaagad ito sa publiko. “Malalaman n’yo naman ‘yun, hindi ko naman maitatago ‘yun. Although we can’t help but talk about kung ano kaya ang magiging itsura ng pangatlo kung saka-sakali. Parang parati atang may gano’n sa mga magulang,” dagdag ng aktres.

Samantala, kahit nakailang endorsements na rin ang kanilang dalawang anak ay nakikita raw talaga ni Juday ang hilig ng mga ito sa showbiz. “Silang dalawang magkapatid, mahilig silang mag-pose. Mahilig si Yohan na bini-video ‘yung sarili niya. Pinag-uusapan nga namin ni Ryan eh kasi parang inevitable naman ‘di ba. Hindi mo naman talaga maiiwasan na darating ang panahon na may mag-aalok at mag-aalok at saka nakikita nila eh, na ito ‘yung ginagawa namin,” kuwento ni Judy Ann.

Ngayon pa lamang daw ay talagang pinagha­handaan na nila ang pagpasok ng mga anak sa industriya. “Like si Yohan ngayon is doing voice lessons and piano. So at least pumasok man sila rito meron silang bala na talent. Kasi ako ang bala ko lang luha eh, period. Luha at tapang, ‘yan na lang ang bala ko dito sa industriyang ito. So gusto namin ‘pag naging artista ‘yung mga anak namin ang sasabihin ng mga tao, ‘Ah kasi puwede, hindi ‘yung kaya siya naging artista kasi ang mga magulang artista,’ giit pa ng aktres.  

Nikki bukas na uli ang puso

Matapos ang kontrobersyal na hiwalayan ng da­ting magkasintahang sina Nikki Gil at Billy Crawford ay umaasa naman daw ang aktres na makakatagpo rin siya ng totoong pag-ibig at tamang lalaki pagdating ng tamang panahon. “Malaki ang paniniwala ko na God has His own time frame for you at kung sakaling darating ang tamang person next month, bakit naman hindi di ba? Basta mararamdaman ko na ‘yun kasi alam ko naman na ang Panginoon ay may plano para sa akin,” paliwanag ni Nikki.

“Hindi naman ako nagdaan sa bitter stage na ayoko, ayoko, ayoko ng ganyan. I’m definitely not closing my doors,” dagdag pa niya. 

Kasama si Nikki sa teleseryeng Maria Mercedes kung saan ay gaganap siya bilang isang kontrabida.

Malaki raw ang naitulong ng kanyang mga naging karanasan upang maging isang magaling na aktres. “Definitely lahat naman po ng pagsubok sa buhay will not only make you a better person but also will make you a better artist because you become in touch with foreign emotions, with the very unfamiliar experiences in your inner mind na mga pagsubok lang ang magdadala sa ‘yo. So definitely nakakatulong siya sa growth mo as a person and also as an artist,” paliwanag ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                     

 

 

 

 

BILLY CRAWFORD

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MALAKI

NAMAN

NIKKI

YOHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with