^

PSN Showbiz

Dawn at Richard tuloy ang balikan

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Saludo si Dawn Zulueta kay Gerald Anderson na gumanap niyang anak.

Bibigyang buhay ng dalawa ang mag-inang sina Miguel at Zenaida Dizon na sabay na daranas ng matinding pagsubok dahil sa isang malagim na krimen at kapwa gagawin ang lahat para mabigyang hustisya ang kanilang pamilya.

Paano ba makatrabaho si Gerald?

 â€˜â€˜May bago nga akong anak. I love working with him. Mabait siya at professional pa. Lagi siyang on time at focus lagi sa trabaho.’’

Naitanong din kay Dawn kung hindi ba niya nami-miss si Richard Gomez na kapareha niya sa Walang Hanggan.

‘‘Nami-miss ko na si Richard. Very soon magkakaroon kami ng proyekto at baka makatrabaho ko uli siya,’’ sabi pa ni Dawn.

Sa kabilang banda, natutuwa si Dawn dahil magkasama uli sila ni Dina Bonnevie. Nakakapag-bon­ding sila sa set. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa dahil magkasama sa Viva. 

Okay lang kay Tonton Gutierrez na magkatapat ang teleserye nila ng asawang si Glydel Mercado. Kung Bukas na Lang Kita Mamahalin ang pambato ng aktor at My Husband’s Lover naman ang kay Glydel ay hindi naman nababahala ang bawat isa.

‘‘Basta at peace kami sa bahay,’’ sabi ni Tonton.

Sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit ang Bukas na Lang Kita Mamahalin, ang bagong obra ng Dreamscape Production, na magsisimula na sa Sept. 2 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

DINA BONNEVIE

DREAMSCAPE PRODUCTION

GERALD ANDERSON

GLYDEL MERCADO

JEROME POBOCAN

KUNG BUKAS

LANG KITA MAMAHALIN

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with