^

PSN Showbiz

Fashion designer na si Eddie Baddeo ibubunyag kay Boy Abunda ang kuwento sa likod ng P10-B pork barrel scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isisiwalat na ng sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo ang lahat ng nalalaman niya kaugnay ng kontrobersiyal na kaso nang ‘di umano’y mastermind ng P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sa The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Agosto 10), ilalahad ni Baddeo, na naging dating ahente ni Napoles, ang lahat ng kanyang nalalaman sa isyu ng ‘ghost transactions’ sa gobyerno.

Ano nga ba ang ginawa sa kanya ni Napoles at nagdesisyon siyang tumestigo laban dito?

Totoo bang may masamang motibo lamang si Baddeo kontra sa dating kaibigan dahil sa isang hindi pagkakaunawaan? Sa pagsisiwalat ng mga illegal na transaksIyon ng pamilyang Napoles, paano mapahihinto ng administrasyong Aquino ang iba’t ibang anomalyang nangyayari sa pera ng bayan? Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng Banana Split.

Wansapanataym special nina Ella, Francis at Bugoy, patok

Tinutukan ng buong sambayanan ang kasisimula pa lamang na Wansapanataym Special Presents: Oh My Genius! (OMG) na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao, at award-winning child actor na si Bugoy Cariño. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Agosto 3) kung kailan humataw ng 33.6% national TV ratings, o 16 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na Vampire ang Daddy Ko na nakakuha lamang ng 17.3%.

Samantala, sa pagpapatuloy ng month-long Wansapanataym Special Presents: OMG! special nina Ella, Francis, at Bugoy ngayong Sabado (Agosto 10), unti-unti nang magbabago ang buhay ni Edison (Bugoy) dahil sa kapangyarihang ibinigay sa kanya ni Benson (Francis). Sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang kapatid na si Minnie (Ella), gagamitin pa rin ni Edison ang kanyang kakayahan na makabasa ng utak ng iba para makapasa sa eskwelahan.

Anong panganib ang nakatakdang harapin ng pamilya ni Benson dahil sa pang-aabuso niya sa kanyang super powers?

Mapipigilan pa ba nina Minnie at Benson ang pandaraya ni Edison sa kanyang kapwa? Tampok din sa Wansapanataym Presents: OMG! sina Meryll Soriano, Dennis Padilla, Igi Boy Flores, Jason Francisco, at Rollie Innocencio. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Noreen Capili at Ferdinand Aguas, at direksyon ni Erick Salud.

 

vuukle comment

AGOSTO

AWARDS BEST PUBLIC AFFAIRS TALK SHOW

BADDEO

BANANA SPLIT

BENSON

BUGOY

ELLA

NAPOLES

SABADO

WANSAPANATAYM SPECIAL PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with