^

PSN Showbiz

Sarah G, tinupad ang pangarap para sa tatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging ‘MORe’ special ang pagdalaw kamakailan ng Popstar Royalty at  The Voice of the Phi­lip­­pines coach Sarah Geronimo sa MOR 101.9 For Life! dahil napakwento ang sikat na Kapamilya singer-actress-host kung bakit masaya siya sa latest album niyang Expressions, kung saan bahagi ng tracklist ang kantang You’ve Got A Friend na inawit niya kasama ang amang si Daddy Delfin.

Ayon kay Sarah na nag-guest sa musical varie­ty afternoon show na Happy Happy Hapon ni DJ China Paps, ‘dream come true’ ang maisama sa album niya ang kanyang ama na minsang nangarap ring maging isang singer. “Yung pangarap po kasi ni daddy, napasa niya sa akin. At naging dream ko po para sa tatay ko na malagay sa CD ang boses niya. At ito na nga po, isang lifetime memory na ang nagawa namin,” pahayag ni Sarah.

Tulad nang ginawa niya sa bagong album niyang nagtatampok ng mga original Filipino compositions, ibinahagi rin ni Sarah sa listeners ng MOR 101.9 For Life ang balak niyang mas ibida ang OPM sa susunod niyang concert. “Madalas akong kumanta ng covers, pero iba pa rin talaga na may sarili tayong awitin. ‘Yan talaga ang goal ko, na next time na may concert ako ay majority ng repertoire puro orihinal na kanta ko,” sabi ni Sarah.

vuukle comment

AYON

CHINA PAPS

DADDY DELFIN

FOR LIFE

GOT A FRIEND

HAPPY HAPPY HAPON

POPSTAR ROYALTY

SARAH GERONIMO

VOICE OF THE PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with