^

PSN Showbiz

Dalawang kilalang male celebrity nabuking sa pekeng bukol!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagtataka ang mga bading na netizens sa tunay na laki ng bukol ng dalawang med­yo kilalang male celebrity. Sa mga kinuhanang pictorial kasi na naka-briefs ang dalawa, tumulo ang laway ng mga beki dahil nagmumura talaga ito sa laki, huh!

Pero sa isang kuha ng celebrities, aba, umimpis na ang bukol nila. Ramdam tuloy ng mga bayot, niretoke ang mga bukol nila sa mga unang naglabasang pictorial.

Sa totoo lang, inamin minsan ng isang endorser na artista na ’yung kuha niyang seksi ay na-Photoshop din.

So, pressure na marahil ang namamahala sa produkto lalo na sa advertising slogan na, “Truth in advertising” kaya inilabas na ang tunay na hitsura ng dalawang celebrities.

Aktor na suki sa rampahan pinagsawaan na sa pagdi-display ng katawan

Pinaghihinalaan na package deal marahil ang magdyowang laging magkasama sa mga fashion show ng isang produkto. Kasi naman, kahit mukhang fresh ang lalaki, mukhang pinagsawaan naman sa pagdi-display ng kanyang katawan.

Unlike ’yung babae na katakam-takam pa rin ang hitsura niya. Pero siyempre bawas na rin ang pagnanasa sa kanya dahil nga lantad na ang pagkakaroon niya ng boyfriend.

Hindi lang kami ang nakapansin sa presence ng dalawa sa mga event ng produkto. Mas marami nga lang tumitili sa mga baguhang modelo at artistang endorser ng produkto kaya matamlay na ang pagtanggap sa boyfriend kahit ibalandra pa niya ang lahat-lahat!

 

vuukle comment

AKTOR

KASI

NAGTATAKA

PERO

PHOTOSHOP

PINAGHIHINALAAN

PRODUKTO

RAMDAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with