^

PSN Showbiz

Daiana tatakasan muna ang mga problema

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa halip na mag-emote sa nakaraang break-up, bumalik sa pag-aaral si Venus Raj.

Kumuha ito ng community development course sa UP Diliman at nag-i-enjoy naman siya dahil feeling niya ay parang first year high school lang siya.

Aminado ang dating beauty queen na hindi maganda ang break-up nila ni Andrei Felix at hindi pa sila okay pagkatapos nilang maghiwalay.

Pero puwede naman silang maging friends. Hindi nga lang ngayon.

 Hindi rin niya masasabing puwede na siyang ma-in love muli. Bahala na raw ang Diyos kung me­ron Siyang ibibigay na tamang lalaki para sa kanya.

“Siguro ’pag dumating ang ta­mang lalaki na bigay ni Lord, definite­ly, I’m okay with that,” pahayag ni Venus.

PAK: Mariing itinatanggi ni Krista Miller ang intrigang nagkita sila ni Cesar Montano sa Podium mall sa Ortigas, Pasig City kamakailan lang.

“Narinig ko nga po ’yan. Hindi pa nga po ako nakapunta ng Podium. Baka iba po ’yun,” sagot ng seksing baguhang aktres sa press conference ng Red magazine na kung saan siya ang nasa cover.

Pagkatapos ng naging intriga sa kanila ay hindi na sila nagkikita ni Cesar at wala na silang komunikasyon.

Nagtataka nga siya kung bakit hindi pa rin natatapus-tapos ang pagkaka-link sa kanya sa actor/director.

Hangad pa rin ni Krista na magkaayos at magkabalikan na sina Cesar at Sunshine Cruz.

BOOM: Umiiwas pa rin si Daiana Menezes sa mga gustong mag-interview sa kanya.

Nagkaroon ito ng pic­to­rial sa isang men’s ma­gazine nung kamaka­la­wa lang pero mahigpit na pi­nagbilinan na walang media na tatanggpin habang nagpi-pictorial ito.

Sa Instagram lang nagpaparating ng statement si Daiana kaugnay sa gulong kansangkutan.

Nag-react ito sa napabalitang humingi siya ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil hindi naman pala totoo.

Nung araw lang daw iyon na tumawag sa kanya ang DSWD pagkatapos lumabas ang naturang balita. Nagpasalamat si Daiana kay DSWD Director Alice Bonoan sa inalok nitong tulong.

Pero gusto nang mag-move on ng model-actress pagkatapos nilang magkaayos ng asawang si outgoing Congressman Benjo Benaldo.

Mukhang aalis muna ang Braziliana para tapusin na ang kinasangkutang gulo.

Nagpasalamat si Daiana sa lahat na dumamay at sumuporta sa kanya, pati na rin sa mga hindi nakakaintindi sa kanya, at tumutuligsa dahil sa pinatawad nito at binigyan ng isa pang pagkakataon ang kanyang asawa.

vuukle comment

ANDREI FELIX

CESAR MONTANO

CONGRESSMAN BENJO BENALDO

DAIANA

DAIANA MENEZES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIRECTOR ALICE BONOAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with