^

PSN Showbiz

Baguhang si Kim Rodriguez madrama ang kuwento ng buhay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Emotional ang baguhang young star na si Kim Rodriguez sa press launch ng GMA 7 afternoon drama niyang Kakambal ni Eliana kamakalawa ng gabi.

Mangiyak-ngiyak ito nang humarap sa press dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwalang bibigyan siya ng magandang break ng GMA 7, at bida na siya agad sa isang afternoon drama.

Hindi lang naman siya ang binigyan ng magandang break sa Kakambal ni Eliana, kundi pati na rin sina Enzo Pineda, Kristoffer Martin, at Lexi Fernandez.

Abangan sa Startalk ang kuwento ng buhay ni Kim, dahil madrama rin ang buhay nito at talbog ang ilang madramang kuwento ng GMA afternoon prime.

PAK: Wala palang kamalay-malay si Rachelle Ann Go nang pumunta kamakailan lang si John Prats sa studio ng Party Pililpinas.

Sinamahan doon ni John ang kasintahan niyang si Isabel Oli at ang kapatid niyang si Camille Prats.

Hindi naman daw sila nagkita roon ni John ayon kay Rachelle, at wala pa palang pagkakataong magkita sila.

Inamin naman ni Rachelle na hindi sila friends ni John, pero kung sakaling magkita sila ay malamang na magkabatian sila. Pero sa mga ex-boyfriends niya, kay Christian Bautista lang daw siya naging close.

Ayaw daw muna ni Rachelle makipag-boyfriend sa ngayon dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career, lalo na’t sisimulan na naman ang bagong musical play niyang Tarzan ng Viva Atlantis.

BOOM: Marami ang naintriga sa ipinost ni Jodi Sta. Maria sa kanyang Instagram na may suot itong singsing.           

Akala ng karamihan, bigay daw ito ni Jolo at baka engaged na ang magkasintahan.

Natawa si Jolo nang tinanong namin dahil singsing daw ni Jodi ‘yun at wala pa naman daw siyang naibigay na singsing.

Pero kung sakaling magkaroon ng engagement, ang ilan daw sa matutuwa ay ang mga kapatid ni Jolo.

Sabi sa amin ni Inah Revilla, gustung-gusto raw nila si Jodi dahil napakabait at napaka-warm daw sa kanila.

Itinuturing na nga raw nilang sister si Jodi, at kung matuloy man daw sila sa kasalan, welcome na welcome raw sa pamilya ang Kapamilya actress.

                                                                   

 

vuukle comment

CAMILLE PRATS

CHRISTIAN BAUTISTA

DAW

ELIANA

ENZO PINEDA

INAH REVILLA

JODI

JOLO

RACHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with