^

PSN Showbiz

Pumayat pa...Billy, zero percent sa droga ang katawan?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pumayat pa...Billy, zero percent sa droga ang katawan?!
Billy Crawford

Ba’t kaya nabuhay na naman ang intriga sa pagpayat ni Billy Crawford?

Almost a year now nang maraming nakapansin na ang laki nang ibinagsak ng katawan ni Billy at parang nagdo-dorga raw ito.

Recently nga ay laman sa social media ang isang video na bagsak ang kanyang katawan habang umiinom ng tubig sa isang black water jug.

Pero mariin ang sagot ni Billy tungkol dito sa aming interview noon.

Ayon kay Billy wala siyang sakit at malinis ang katawan niya sa droga.  “Actually paulit-ulit akong nagpapaliwanag kasi sobrang dami nang nagsasalita on my behalf. Dami-daming nagsasabing addict or whatever,” umpisa niya sa aming interview.

“Una sa lahat I think it’s unfair para sabihin sa isang tao kung sino sila. Una sa lahat, I don’t do drugs.

“Pangalawa, I have stopped drinking for the past 6 years. Alcoholic ho ako noon, and yes, kaya ho ako 235 pounds. Hindi ho healthy ‘yun. So, I started to lose weight from that time on, nung tumigil talaga akong mag-alcohol, and tuluy-tuloy lang siya kasi hindi na ako bumalik sa alcohol, as in zero alcohol.

“Hindi na ako nagyoyosi. Wala akong bisyo. So ngayon na I am 41 years old and 140 pounds, I’m healthy. I feel good. I don’t necessarily exercise tremendously pero kumakain ako ng tama, umiinom ako ng tubig and siguro mabigat lang talaga ‘yung anak ko (Amari). Nakakapagod din paminsan minsan kasi saluhan kaming mag-asawa (Coleen Garcia sa pag-aalaga),” dire-diretso niyang sagot.

“So I’m not sick,” paglilinaw niya pa.

Ayaw ngang tigilan ng malisyosong komento si Billy dahil lang pumayat ito hanggang ngayon.

Hindi ka ba nagda-diet?  “No, nag-IF ako before. Nag i-intermittent fasting ako before. Nag keto diet ako before kasi 200 plus pounds ako noon. So ngayon, no, I’m super super healthy. I couldn’t ask for more sa totoo lang. Kung siguro alcoholic pa ako baka patay na ako ngayon sa totoo lang,” paliwanag pa niya sa aming interview kahapon.

“Kung adik ako sa totoo lang ‘di dapat nasa kulungan ako o patay na ako, honestly,” very confident niya pang sabi.

Never ka ba nagtry ng drugs?

“No, never. Zero percent never. I’ve been sober kaya nga aminado akong alcoholic ako eh because pumapasok ako sa trabaho ko before lasing ako. So, it was alarming na before and may addictive personality and lagi nandyan ‘yung Panginoon para sagipin ako sa totoo lang.”

vuukle comment

ACTOR

BILLY CRAWFORD

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with