^

PSN Showbiz

Marian, ngayon makakaranas ng bakasyon grande

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-fly kahapon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Japan para sa kanilang post-Holy Week vacation.

Nang magkita kami noon ni Marian sa parlor ni Bambi Fuentes, nabanggit niya na babalik sila ni Dingdong sa The Farm sa Batangas. Hindi ako sure kung nagpunta muna ang dalawa sa The Farm bago sila lumipad kahapon sa Japan.

Well-deserved ni Marian ang mahaba-habang bakasyon dahil wala siyang pahinga mula nang gawin niya ang Temptation of Wife, Extra Challenge, Kung Fu Divas, at My Lady Boss.

 Ngayon lang uli matitikman ni Marian ang bakasyon grande na hindi rin magtatagal dahil kailangang bumalik siya sa Pilipinas para sa promo ng My Lady Boss, ang second movie team up nila ni Richard Gutierrez.

Bakla nagpapa-kontrobersiyal na naman, hiniwalayan daw ng aktor na katatapos lang ng serye

Nagpapakontrobersiyal ang isang gay na depressed na depressed kuno dahil naghiwalay sila ng kanyang boyfriend.

Pero “secret” ang sagot ng baklita kapag tinatanong kung sino ang kanyang mystery boyfriend.

Basta sikat na aktor daw at may katatapos ng teleserye sa isang bonggang TV network.

Hindi dapat seryosohin ang drama ng baklita dahil mahilig ito sa publicity.

Enjoy na enjoy siya sa atensiyon na ibinibigay sa kanya mula nang aminin niya ang pagiging vaklush.

Showbiz alive na naman, tumahimik sa mahal na araw

Alive na uli ang showbiz at ang sanlibutan dahil bumalik na mula sa long vacation ang mga tao.

May mga artista na nagpunta sa mga beach resort at sa ibang bansa. Sinamantala nila ang pagkakataon dahil walang mga taping o shooting.

 Tumahimik din ang showbiz na naging maligalig dahil sa mga eskandalo nina Kris Aquino at James Yap, Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Hindi pa nagkakaroon ng closure ang mga nasabing eskandalo kaya mag-expect tayo ng Part 2, Part 3, etc.

Kampanya sa lokal, umpisa na

Bukas na pala ang opisyal na simula ng pangangampanya ng mga kandidato sa local level para sa eleksiyon sa Mayo.

Maraming mga artista ang tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon. Asahan natin na magiging maingay din ang campaign season dahil sangkot nga ang mga showbiz personality na na­ngangarap na makapaglingkod sa bayan.

Mga reporter na nagbantay sa Bora, hindi nabigo

Nagbantay ang mga TV crew sa Boracay Island dahil isa ito sa mga puntahan ng mga artista.

Hindi naman nabigo ang mga TV reporter dahil na-sight nila sa Boracay sina Cristalle Belo, Derek Ramsay, at ang pamilya nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado.

Nagpahinga naman sa Shangri-La Mactan ang buong pamilya nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

May mga artista na hindi umalis ng Metro Manila dahil ito ang pinakatahimik na lugar tuwing Holy Week.

Katulad ko sila na mas pinili ang manatili sa bahay at dito magnilay-nilay, with matching pagtitika.

 

vuukle comment

BAMBI FUENTES

BONG REVILLA

BORACAY ISLAND

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

DAHIL

HOLY WEEK

MY LADY BOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with