^

PSN Showbiz

John Lloyd aminado sa kakaibang koneksyon kay Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si John Lloyd Cruz na muntik na niyang ligawan si Sarah Geronimo noon. Hindi lamang daw ito itinuloy ng aktor dahil nirerespeto niya ang mga magulang ng Popstar Princess. Ayaw pa raw kasing paligawan nina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo ang kanilang anak noon. “Oo kasi, bago ngayon ha, at that time talagang hindi naman talaga puwede. May rules ‘yung kanyang nanay at tatay at you have to respect that. So kung ‘di puwede at kung ‘di n’yo kayang panindigan, halimbawa ‘yung isang lalaki, alam mo naman ang rules. Kung alam mo, don’t try to break them kasi nandun ‘yun sa simula eh,” paliwanag ni John Lloyd.

Hindi man nagkaroon ng relasyon sina Sarah at John Lloyd ay mayroon naman daw silang espesyal na samahan. “Ang alam ko lang kami ni Sarah we have this very special connection na mahirap ipaliwanag. Kaming dalawa lang ang makakaintindi. Hindi mo alam kung paano nagsimula, hindi mo alam kung paano matatapos at kung saan pupunta, ‘yun lang ‘yun,” pagtatapat ng aktor.

Sa ngayon ay sobrang kumportable na raw nina John Lloyd at Sarah sa isa’t isa lalo pa’t pangatlong pelikula na nila ang It Takes a Man and a Woman. “So far ito ‘yung pinakamaganda naming relasyon. Siguro kagaya run sa story, nag-mature ‘yung dalawa. Nagkaroon ng greatest learnings sa buhay nila, and sumabay rin siguro ‘yun sa amin,” dagdag pa ng aktor.

Jane, gustong maging dramatic actress

Kamakailan ay kasamang inilunsad si Jane Oineza sa bagong batch ng Star Magic artists. Ayon kay Jane ay naging maganda ang pasok sa kanya ng taon dahil nakatanggap din ang dalaga ng nomination sa pagka-Best Actress mula sa 2013 New York Festivals. Napansin ang magaling na pagganap ni Jane sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na kanyang ginawa ilang buwan na ang nakalilipas.

Hindi raw makapaniwala ang young actress nang makarating sa kanya ang magandang balitang ito. “Parang really? “Pero sobrang I’m so honored and very overwhelming ‘yung experience. They will announce the winners on April 9. I’m so nervous. Kasi there’s two nominees from the U.S. and ako lang ‘yung sa Philippines,” nakangiting pahayag ni Jane.

Masayang-masaya rin ang dalaga dahil pinagkatiwalaan daw siya na Kapamilya network na gumawa ng magagandang proyekto. “Actually, thankful ako na nabigay sa akin mga heavy roles kasi siyempre pinagkatiwalaan nila ako to do that, and ibig sabihin they have that idea that I can do it, pero yes, I love to do heavy drama and I’m not really sure why but kung puwede rin siguro light, okay lang din like rom-com (romantic-comedy), mga ganun, cutie. Pero kasi kaya ko gusto ang heavy drama, I want to prove myself na I can do it,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                                                                                                  

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

DADDY DELFIN

IT TAKES

JANE OINEZA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KUNG

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with