^

PSN Showbiz

Adam Sandler nasa Kapatid Network na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Padami nang padami na mga Hollywood star ang lumalabas sa Kapatid Network. Sunud-sunod naman kasi ang mga hit movie na ipinapalabas sa Sine Ko 5ingko sa Biyernes (March 22), 3:30 p.m., sa TV5. Sa unang dalawang linggo ng Sine Ko 5ingko, napanood ng mga Pinoy movie buff ang mga paborito nilang artista, tulad nina Liam Neeson, Christian Bale, Robert Downey, Jr., at Hugh Jackman. Napanood din ang mga memorable performances ng mga Oscar winners na sina Halle Berry, Charlize Theron, at Adrien Brody.

Patuloy ang pagbibigay-saya ng Sine Ko 5ingko sa mga manonood dahil marami pang nakapilang Hollywood blockbusters ang mapapanood araw-araw! Katunayan, magpe-premiere sa Sine Ko 5ingko ang comedy hit na You Don’t Mess with the Zohan, kung saan starring ang kilalang aktor na si Adam Sandler.

Paniguradong gugulong sa kakatawa ang mga Pinoy na manonood sa kakaibang kuwentong tungkol sa isang spy na pumunta sa Amerika para maging hairsty­list. Pipiliin ba niya ang baril o ang gunting laban sa mga humahabol sa kanya? Abangan din ang performance ng Filipino-American actor na si Rob Schneider sa pelikulang ito.

vuukle comment

ADAM SANDLER

ADRIEN BRODY

CHARLIZE THERON

CHRISTIAN BALE

HALLE BERRY

HUGH JACKMAN

KAPATID NETWORK

LIAM NEESON

SINE KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with