^

PSN Showbiz

Jose at Wally yayanigin uli ang Araneta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Yayanigin muli ng Comedy Concert Artists na sina Jose Manalo at Wally Bayola ang Smart Araneta Coliseum sa pangalawa nilang pagsabak sa concert arena  - Jose And Wally Concert A Party For Juan And All! sa Marso 15!

Sa second major concert ng dalawang henyo sa komedya, times two ang mga pasabog, kanta, costumes, pakulo at performers na katuwang nila upang palawigin pa ang hukbo ng mga tao na gustong humalakhak, sumakit ang tiyan at panga sa katuwaan.

Sa totoo lang, sa unang pagsabak nina Jose at Wally sa malaking konsiyerto sa Big Dome, lumikha sila ng record pagda­ting sa attendance na naging sanhi ng buhul-buhol na traffic sa Cubao. Ginawaran sila ng management ng Araneta ng recognition bilang Comedy Concert Artists nu’ng  March 2, 2012. Isang parangal na hindi inaasahan ang dalawang kalog, huh!

Siyempre, kinakabog muli ang dibdib ng dalawa sa bagong challenge na ito sa ka­nilang comic career gaya ng unang concert nila.

“Hindi maiwasan na kabahan kami ni Wally. Siyempre nu’ng una, nandoon ‘yung curious ang manonood sa gagawin namin sa stage.  Eh, never naman kaming naging con­scious sa gagawin namin. Basta ibinigay lang namin ang kaalaman sa pagpapatawa. Sinusunod namin ang instructions sa amin. ‘Yun nga lang, kumakawala kami kung minsan dahil ang comedy naman, mas natural, mas nakakatawa! Ngayon, naku po! Taimtim kaming magdarasal upang tangkilikin muli ng tao ang aming palabas! Ha! Ha! Ha!” katuwiran ni Jose.

Kumpleto na rin ang line up ng guest artists sa Jose And Wally Concert A Party For Juan And All na pangungunahan ni Vic Sotto. Kaabang-abang ang babanatan ni Bossing Vic na last year ay kinanta ang version niya ng Someone Like You ni Adele.

Isa pa sa exciting na guest ay ang rock artist na si Bamboo. Idolo siya ni Jose at dati nang ginagaya sa mga regular shows niya sa comedy bars. Kaya naman kung present muli si Gary Valenciano sa concert at iniidolo ni Wally kung saan hinahangaan ang number nila last year, magandang panoorin ang pagsasama nilang apat sa stage, huh!

May partisipasyon  din sa concert sina Ogie Alcasid, Jericho Rosales at Dingdong Dantes. Idagdag pa riyan ang riot na komedyana na si Pokwang na handa ring magpabalahura sa dalawa, huh!

Mawawala ba sa concert ang latest child sensation na si Ryzza Mae “Cha Cha” Dizon? Sorpresa ang gagawin ng Little Miss Philippines winner ng Eat Bulaga na laging nakakaasaran nina Jose at Wally sa Eat Bulaga!”

 Mula sa direksiyon ni Philip Lazaro ay musical direction ni Jimmy Antiporda, humanda sa pagsugod muli nina Jose at Wally kasama ang bigatin nilang guests sa Jose And Wally Concert A Party For Juan And All sa Marso 15.

Mabibili ang tickets sa comedy concert of the year sa SM Ticketnet Online o tumawag sa 911-5555 para sa iba pang detalye.

 

vuukle comment

BIG DOME

BOSSING VIC

CHA CHA

COMEDY CONCERT ARTISTS

CONCERT

EAT BULAGA

JOSE

JOSE AND WALLY CONCERT A PARTY FOR JUAN AND ALL

WALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with