^

PSN Showbiz

Sarah at Richard naggo-goodtime sa Switzerland!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasa Switzerland na pala si Richard Gutierrez para dalawin ang GF na si Sarah Lahbati.

Sa Instagram account nito, nag-post si Richard ng picture nila ni Sarah na nag-skiing at ang caption ay “Finally with my love here in Switzerland. After a tiring session of skiing time to head home and make some Raclette.”

Sa Twitter account naman ni Sarah, nag-post ito ng picture ng tinukoy na Raclette ni Richard ay isang klase ng pagkain sa Switzerland.

Marami ang natuwa at kinilig na magkasama ang dalawa sa Switzerland pero may mga tanong pa rin ang ilan. May mga nanghihinayang pa rin na sa halip na may showbiz career ay nasa Switzerland lang si Sarah para mag-i-skiing at iba pang ginagawang recreation.

Kris tuloy sa pamimigay ng gadgets, trips, at appliances

Last day na ng two-day gift-giving event ni Kris Aquino sa Kris TV bilang pasasalamat ng TV host-actress sa supporters niya at kasama sa tagumpay niya sa showbiz. Bale 60 lucky winners ang nabigyan ng malaki at maraming regalo ni Kris at ng kanyang morning show sa ABS-CBN.

Ang 42 winners represent her 42nd birthday at ang 18 loyal Kris TV viewers, represent her years in ABS-CBN. Ang Love, Love, Love ni Kris ay may luxury bag, hottest gadgets, trips sa ilan sa hottest summer trips sa bansa. May kasama pang appliances food, latest fashion staples, at marami pang iba.

Enzo hahabol kay Rocco

Hindi na pala Serpentina kundi Ang Kambal ni Eliana na ang title ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na launching ni Kim Komatsu. 

Leading men ni Kim sina Kristoffer Martin at Enzo Pineda na tuwang-tuwa dahil ngayon lang siya magbibida. Hopefully, mahabol pa niya si Rocco Nacino na una nang nabigyan ng break at sunud-sunod ang soap.

Ang Ang Kambal ni Eliana ang papalit sa Paroa, ang Kuwento ni Mariposa na last week na ngayon.

Joross ayaw pang pakasal

Two years pa bago magpakasal si Joross Gamboa sa girlfriend niyang si Katz dahil tatapusin nila ang kani-kanilang pag-aaral. Ga-graduate sa October si Joross ng mass communication at OJT at thesis na lang ang hinihintay. Kaya wala pa silang plano sa kanilang magiging wedding. Nilinaw ni Joross na hindi buntis ang girlfriend.

Showing sa March 6 ang The Fighting Chefs at privileged si Joross na makatrabaho si Ronnie Ricketts na idol niya sa action and fight scenes. Given the chance, gusto niyang makatrabaho ang idol niya sa comedy na sina Joey de Leon, Ogie Alcasid, at Michael V.

                                                              

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANG ANG KAMBAL

ANG KAMBAL

ANG LOVE

ELIANA

ENZO PINEDA

FIGHTING CHEFS

JOROSS

JOROSS GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with