^

PSN Showbiz

Toni naghahanda na sa pagbubuntis, uterus handang-handa na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magiging abala na si Toni Gonzaga para sa reality show na The Voice of the Philippines. Lilibutin daw ang buong Pilipinas ng dalaga para sa auditions ng kanilang programa.

“Lahat ay welcome mag-audition dito. This is open to 16 years old and above. Walang age limit so anybody can go on stage and audition for as long as you know you have the unique voice that we are looking for. You’re all welcome in this show. Kami magmamando ng auditions and the coaches will have to be there to choose the singer. Robi Do­mingo will do the segment of social media,” nakangiting pahayag ni Toni.

Samantala, masaya naman ang dalaga sa relasyon nila ni Direk Paul Soriano na mag-aanim na taon na raw ngayon. Ine-enjoy muna ng dalawa ang kanilang mga propesyon at hindi nangangamba si Toni kung matatagalan pa ang pagpapakasal nila ng binata. Hindi rin siya nag-aalala na mahihirapan siyang magbuntis kung 30s na siya magpapakasal.

“Fresh naman ang aking uterus based on the check-up. Reding-ready din naman ito eventually. Wala namang problem kasi nagpa-check up na ako. Nagpa-general check up ako. Wala raw problem,” paliwanag ni Toni.

Gusto raw ng dalaga na magkaroon ng dala­wang anak balang araw, isang babae at isang lalaki.

Rhap Salazar 8 years nang ka-bonding si Makisig Morales

Masayang-masaya si Rhap Salazar dahil naging bahagi siya ng programang Luv U. Wala raw problema sa singer-actor kung kontrabida man ang kanyang naging role sa nasabing TV show. “’Yung pagi­ging bad niya, siguro sakto lang at saka kung nag-e-enjoy naman kasi ako sa ginagawa ko. Masaya naman ako,” nakangiting pahayag ni Rhap.

Samantala, kahit nag-aartista ay gusto raw ni Rhap na makatapos sa kanyang pag-aaral.

“Siguro mas focused muna ako sa school. I’m third year high school, home study. Actually, hindi ko pa naman iniiwan ang showbiz pero gusto ko rin pagbutihan ’yung studies ko. This year, I’m hoping na babalik ako sa singing career ko. For now, wala pa ka­sing pro­jects sa singing pero sana next year meron na. Sa ngayon ina-upload ko mga video ko sa YouTube and I also give updates din sa Twitter,” kuwento ni Rhap.

“My dream project next year is a new album kasi the last album I did was years ago. That was when twelve pa yata ako so gusto kong marinig ng mga tao ’yung boses ko ngayon at mas i-develop ko pa. Before kasi sobrang boses bata eh,” smile  ng teen singer.

Maituturing daw niyang si Makisig Morales ang pinakamalapit niyang kaibigan sa industriya.

“Eight years na. Actually, ang maganda sa amin kahit hindi kami masyado nagba-bonding, sobra ’yung usap namin. Kung paano naming na-miss ang isa’t isa at hindi kami nagkakalimutan sa text or sa Twitter. Wala kaming competition sa isa’t isa. Makisig kasi is a funny person,” giit ni Rhap. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                                                             

 

vuukle comment

AKO

DIREK PAUL SORIANO

LUV U

MAKISIG MORALES

RHAP

RHAP SALAZAR

TONI

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with