^

PSN Showbiz

‘Mga impostor ginagamit ang pangalan ko sa Twitter’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pauli-ulit ang pagsasabi ko na wala akong Twitter account pero may mga impostor pa rin na gumagamit sa pangalan ko.

May nagkuwento sa akin na sumasagot si Congressman JV Ejercito sa mga tweet ko sa kanya. Hindi yata alam ni Papa JV na wala akong Twitter account kaya hindi ako ang user ng Twitter account na @lolitsolis56.

Kung gusto ng mga tao na i-follow ako, magbasa na lang kayo ng PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang-Masa) dahil dito ko inilalagay ang mga showbiz news na alam ko.

I repeat, wala akong Facebook at Twitter accounts. Kung meron man, mga impostor sila.

Dinky Doo nagpaliwanag sa atraso kay Sammy Lagmay

Nagsalita na ang komedyante na si Dinky Doo sa bintang na niloko niya ang kapwa komedyante na si Sammy Lagmay na may karamdaman sa kasalukuyan.

Nagsalita noon si Sammy sa Startalk tungkol sa diumano’y benefit concert ni Dinky Doo para sa kanya pero hindi raw niya natanggap ang pangako na financial help.

Nagpaliwanag si Dinky Doo na walang katotohanan ang akusasyon ni Sammy. Totoo raw na natuloy ang concert pero hindi pa siya binabayaran ng mga tao na involved sa networking at bumili ng tickets.

Ikinuwento ng komedyante ang buong detalye sa presscon ng The Fighting Chefs. Nagpapasa­Slamat nga raw siya dahil hiningi ng media ang panig niya para malinis ang kanyang pangalan.

Pinabulaanan ni Dinky Doo na hindi niya sinasagot ang mga tawag sa telepono o text message ni Sammy. Nagkausap na raw sila at nag-sorry sa kanya ang may-sakit na komedyante. Siya rin ang gumawa ng paraan na matulungan ng Wish Ko Lang si Sammy pero wala itong kaalam-alam. Tinawagan ni Dinky Doo ang mga dating kasamahan ni Sammy sa isang sitcom para sorpresahin siya. Nagpaunlak naman sina Carmi Martin at former Sen. Freddie Webb.

Para sa kumpletong paliwanag at depensa ni Dinky Doo, panoorin ninyo ngayong hapon ang Startalk.

Hero naging abala sa pagtuturo

Comeback movie pala ni Hero Angeles ang The Fighting Chefs. Malaki ang pasasalamat ni Hero kay OMB (Optical Media Board) Chairman Ronnie Ricketts dahil idea nito na isama siya sa cast ng pelikula.

Hindi na masyadong visible sa showbiz si Hero pero may pinagkakaabalahan siya, ang pagtuturo sa mga bata. Hindi lang malinaw sa akin kung private tutor o full-time teacher si Hero sa school.

Starring din sa The Fighting Chefs sina Mariz, Joross Gamboa, Arci Muñoz, at introducing ang anak nina Mariz at Ronnie na si Marella.

Pamilyang De Leon nagdiriwang sa pagkakapasok ni Mariel sa Bb. Pilipinas

Tuwang-tuwa ang De Leon family dahil nakapasa si Mariel de Leon sa screening ng 2013 Bb. Pilipinas.

Kasama si Mariel sa 50 official candidates na magtatagisan ng ganda at talino para makuha nila ang Bb. Pilipinas-Universe at Bb. Pilipinas-International crown.

Malapit nang matapos ang taping ng Pahiram ng Sandali kaya may panahon na si Sandy Andolong na tutukan ang training ni Mariel. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Sandy dahil first time na sumali sa isang national beauty pageant ng kanyang anak.

 

vuukle comment

ARCI MU

CARMI MARTIN

CHAIRMAN RONNIE RICKETTS

DE LEON

DINKY

DINKY DOO

FIGHTING CHEFS

MARIEL

SAMMY LAGMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with