^

PSN Showbiz

Mark, Benjamin, at Kylie masusubukan sa Unforgettable!

Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa iyong presyur kina Mark Herras, Benjamin Alves at Kylie Padilla para hindi malimutan ng mga manonood ang kanilang bagong karakter at bago nilang afternoon prime soap opera ngayong 2013.

Gayunman, napatunayan na naman ni Kylie ang kanyang kakayahang gampanan ang pangunahing mga karakter na kailangan sa mga afternoon soaps. Sa tagumpay noon ng kanyang Blusang Itim at Good Daughter, naipakita ni Kylie kung paanong nakikisimpatya sa kanya ang mga manonood.

Pero isang bagong hamon kay Kylie ang naghihintay sa kanya sa Unforgettable dahil hindi tulad ng sa ibang mga dating ginampanan niya ang magiging papel niya rito.

Sa Unforgettable, gagampanan ni Kylie ang karakter ng isang babae na nasangkot sa kasong pagpatay.  Siya ang itinuturong kriminal batay sa mga clues na nakalap. Ang totoo naman ay inosente siya. At walang ibang nakakaalam nito kundi ang mismong biktima na ginagampanan ni Mark Herras.

Mula naman sa masasamang karakter sa Luna Blanca at Hiram na Puso, binabalikan naman ni Mark  ang dati niyang good boy image dito sa Unforgettable.  Pero merong kumplikasyon dito. Isa siyang multo sa maraming eksena rito.  Isang multong patuloy na nagmamahal sa isang babaeng naiwan niya rito sa lupa.

Kailangang magpakita ng ganap na kahusayan si Mark dito dahil isang pagsubok na umaktong naiinlab  na umaarte nang walang kasamang partner.  Mas magpapabigat sa kanya ang katotohanan na karibal niya sa puso ni Kylie ang baguhang si Benjamin Alves.

Pinahanga naman ni Benjamin ang mga nakapanood sa remake ng Coffee Prince. Marami ang nagayuma sa kanyang boyish good look at personalidad bilang aktor. Pero sa Unforgettable, lalabas ang ibang katauhan ni Benjamin dahil gagampanan niya ang karakter ng isang abogado na matindi ang paghahangad na gawin ang tama. Aalamin niya kung ang karakter talaga ni Kylie ang pumatay sa karakter ni Mark pero kasabay nito ay unti-unti siyang umiibig dito.                                                                                                                   

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

BLUSANG ITIM

COFFEE PRINCE

GOOD DAUGHTER

ISA

KARAKTER

KYLIE

MARK HERRAS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with