^

PSN Showbiz

Dingdong aminadong hirap na mapaganda ang katawan

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inoperan muli si Dingdong Dantes na mag-co­ver ng hubad sa isang magazine. Last 2007 pa kasi nagbuyangyang ng pagkalalaki niya si Dong kaya naman sabik pa rin ang karamihan na muling makita ang kanyang katawan at ang bukol.

“Pero baka hindi ko muna magawa. Effort kasi sa akin to get in shape eh. Effort talaga. Hindi gaya ng iba na naturally ganoon sila. Siguro… huwag muna. Feeling ko baka, baka lang! Hahaha!” pahayag ni Dong nang makausap namin sa taping ng Pahiram ng Sandali.

Subalit ngayong Valentine’s Day, wala mang kongkretong plano pa para sa kanila ni Marian Ri­vera, gagawan niya ng paraan upang i-celebrate ang Araw ng mga Puso.

“Basta gagawan ko ’yon ng paraan kahit may trabaho siya. Doon ako sa bahay nila magsi-set up ng dinner,” tawa uli ni Dong pero mukhang seryoso naman sa sinabi.

Richard na-refresh kay Marian pagkatapos ng Seduction

After five years, nagsamang muli sina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa co-prod movie ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. na My Lady Boss. Natutuwa ang aktor dahil kahit natagalan silang magtambal after ng My Best Friend’s Girlfriend, hindi pa rin nagbabago ang chemistry nila.

“So ang sarap sa set. Tawanan lang kami nang tawanan. ’Tapos we also talk to our director, Jade Castro, kung ano ang aming inputs at kung ano ang puwedeng gawin,” rason ni Richard nang makausap namin sa shooting.

Kaya naman nang kunan ang kissing scene nila sa elevator ay wala nang hirap dahil bago nila i-execute ang eksena, nag-uusap na silang dalawa. Refreshing sa kanya ang gumawa uli ng romantic comedy matapos ang intense performance niya sa Seduction.

“Nakatulong din ang pagsasama namin ni Yan sa Extra Challenge. Marami kaming experiences together. Nakilala namin ang isa’t isa,” dahilan pa ng aktor.                                                                    

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

EXTRA CHALLENGE

JADE CASTRO

MARIAN RI

MARIAN RIVERA

MY BEST FRIEND

MY LADY BOSS

REGAL ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with