Pacman susubukan patumbahin si Vice Ganda!
SEEN: Ang pag-amin ng direktor na si Peque Gallaga na naghirap siya at ang Regal Entertainment, Inc. ang nagbigay sa kanya ng trabaho. Si Peque ang direktor ng Seduction.
SCENE: Ipinagkaloob ng UST kay Janine Tugonon ang Outstanding Achievement Award noong Lunes dahil sa tagumpay niya sa Miss Universe 2012.
Graduate si Janine ng Pharmacy sa UST at siya ang Miss Pharmacy noong 2009 at Miss UST 2010.
SEEN: Dumating kahapon sa Pilipinas si Congressman Manny Pacquiao mula sa long holiday nila ng kanyang pamilya sa Israel.
Magsisimula sa linggong ito ang taping ni Pacquiao para sa kanyang bagong TV show sa GMA 7.
SCENE: Para sa ‘Yo ang Laban Na ‘To ang pamagat ng public service show ni Manny Pacquiao sa GMA 7 at may posibilidad na itapat ito sa Sunday night show ni Vice Ganda sa ABS-CBN.
SEEN: Sa Jan. 15 ang deadline ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. para sa mga nagnanais na lumahok sa Bb. Pilipinas 2013.
SCENE: Kumukunsulta na si GMA Films President Annette Gozon-Abrogar sa kanyang abogado para sa kaso na isasampa niya laban kay Sarah Lahbati. Inakusahan ni Sarah na may under the table deals si Abrogar at ang ICONS Talent Management Agency na nag-alok sa kanya ng managerial contract.
- Latest

























