^

PSN Showbiz

Elton John diva na diva sa concert sa Araneta

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagimbal ang boxing world at ang fans ni Congressman Manny Pacquiao nang patulugin siya ni Juan Manuel Marquez sa 6th round ng kanilang laban kahapon sa MGM Grand Garden Arena.

SCENE: Vindicated si Juan Manuel Marquez na nagreklamo ng pandaraya dahil siya ang tunay na nanalo sa laban nila ni Pacquiao noong November 2011.

SEEN: Matagal bago nakumbinsi ni Kris Aquino si Vice Ganda na mag-share ng raffle prizes sa presscon ng Sisterakas.

Lumabas ang pagiging matipid ni Vice Ganda na nagsabi na ang akala niya, ayaw sa kanya ng showbiz press pero nagbago ang paniniwala niya nang manalo siya ng best male celebrity showbiz oriented talk show host sa 2012 Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club. 

SEEN: Nagkatotoo ang sinabi ni Congressman Manny Pacquiao na hindi niya patatagalin ang laban nila ni Juan Manuel Marquez.

SCENE: Kasama ni AiAi delas Alas sa presscon ng Sisterakas ang kanyang boyfriend na si Jed Alvin Salang na komportable na sa pakikitungo sa entertainment writers.

SEEN: Ang mag-asawang Richard Gomez at House Representative Lucy Torres-Gomez sa concert ni Elton John sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.

Pinahanga ni Elton John ang Pinoy audience dahil sa kanyang autograph session sa stage.

SCENE: Hindi nakitaan ng pagod si Elton John sa pagkanta at pagtugtog ng piano, kahit dumating siya sa Pilipinas, apat na oras bago nagsimula ang kanyang concert sa Smart Araneta Coliseum.

Diva na diva ang dating ni Sir Elton.

 

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

ELTON JOHN

GRAND GARDEN ARENA

HOUSE REPRESENTATIVE LUCY TORRES-GOMEZ

JED ALVIN SALANG

JUAN MANUEL MARQUEZ

KRIS AQUINO

SMART ARANETA COLISEUM

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with