^

PSN Showbiz

TV5 may Siksik sa saya tuwing Linggo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siksik na naman sa saya at excitement ang inihandang Sunday primetime shows ng TV5! Humanda na sa walang patid na adventure, ka-cutean at excitement sa sunud-sunod na hit shows na Pinoy Explorer, Talentadong Pinoy Junior, at The Million Peso Money Drop!

Tuloy ang saya at adventure sa Sagada para kina Aga Muhlach at mga guests nitong sina Bayani at Valeen Montenegro sa darating na episode ng Pinoy Explorer. Bibisitahin nina Aga ang makasaysayang The Church of St. Mary the Virgin at Kiltepan Peak para masaksihan ang makapigil-hini­ngang sunrise view. Pagkatapos nito ay pupunta ang grupo sa isang orange farm para matikman ang tanyag na produkto ng Sagada!

Pagkatapos namang maglakbay sa Sagada, samahan ang multi-awarded TV host na si Ryan Agoncillo na panoorin ang mga nakakagigil ng young performers na mapapanood sa Talentadong Pinoy Junior. Sino kaya ang mapapansin at kaaaliwan ng mga Celebrity Talent Scouts sa pangunguna ni Lucy Torres Gomez? Tiyak kaabang-abang na naman kung ano ang mga inihandang stunts at numbers ng ating mga talented bagets.

Samantala sa The Million Peso Money Drop, mapapanood ang magkapatid na sina Jezi at Joey Samson na maglalaro para maiuwi ang buong isang milyong piso! Samahan si Bossing of All Game Shows Vic Sotto sa The Million Peso Money Drop sa ganap na ika-8:30 ng gabi.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

BOSSING OF ALL GAME SHOWS VIC SOTTO

CELEBRITY TALENT SCOUTS

CHURCH OF ST. MARY THE VIRGIN

JOEY SAMSON

KILTEPAN PEAK

LUCY TORRES GOMEZ

PINOY EXPLORER

SAGADA

TALENTADONG PINOY JUNIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with