^

PSN Showbiz

Kapamilya nag-imbita kahit Kapuso!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Naimbita ako sa pa-Christmas party ng Kapa­milya para sa press. Sila pa lamang ang rume-re­cog­nize sa akin bilang kagawad ng print media dahil may daily column ako dito sa PSN.

Dahil dito nagpapasalamat ako sa kanila for the re­cognition at sa kabila na katotohanan na kabilang  ako sa kalaban nilang istasyon ay walang isyu sa ka­nila.

I am invited not because of my work as a Kapu­so but because I’m a practicing mediaman.

Galing ni Mara sa Cinema One napansin

Kung sa Survivor Philippines ay nagsimulang ma­ramdaman ang kanyang presence, sa ginawa niyang indie film na Palitan ay tuluyan ng mai-establish ni Mara Lopez ang kanyang tamang kalalagyan sa movie industry. Dito pinatunayan niyang anak siya ng kanyang ina na bukod sa beauty queen ay isa ring mahusay na aktres.

Sa ginawa niyang pelikula, kinilala ang husay ng nakababatang Lopez sa pag-arte. Nanalo siyang Best Actress sa Cinema One Originals Festival.

Unang-unang proud kay Mara ay ang kanyang inang si Isabel Lopez.

Congratulations.

RICHARD YAP KAILANGANG MADAGDAGAN ANG TRABAHO

Sana mas mabigyan pa ang maraming trabaho si Richard Yap para masulit ang ginawa niyang pagre-resign sa kanyang trabaho na tumagal siya for more than 20 years. Marami ang taga-suporta ni Sir Chief sa kanilang Be Careful With My Heart na aabutin pa ang pagpapalabas hanggang sa kalagitnaan ng 2013. Let’s hope na ma-maximize ng ABS-CBN ang kanyang talent.

TOM TAMA ANG DESISYON

Maganda ‘yung pasya ni Tom Rodriguez na manatili ng ABS-CBN. Tutal nabibigyan naman siya rito ng magaganda pang palabas. Kapag lumipat kasi siya ay baka masira ang ginagawang magandang pagpapatakbo ng Dos sa career niya. Kapag hindi na siya masaya, dun siya magpasyang lumipat pero, hangga’t kuntento siya, manatili na muna siya sa kanyang kinalalagayan. Okay ba, Popoy Caritativo (manager niya ngayon)?

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEST ACTRESS

CINEMA ONE

CINEMA ONE ORIGINALS FESTIVAL

ISABEL LOPEZ

KANYANG

KAPAG

MARA LOPEZ

POPOY CARITATIVO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with