^

PSN Showbiz

Film director dismayado sa malasadong acting ng young actress na sa TV lang pala maga­ling­

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sobrang frustrated ang film director dahil puro press release lang pala ang mga sinasabing ma­ga­­ling ang isang young actress. Noon kasing mag­ka­tra­baho na sila ay marami pa palang kaila­ngang pag-aralan pagdating sa acting sa big screen ang young actress.

Nalaman ng direktor na sa  TV lang pala siya ma­ga­ling dahil sinanay na kasi na kapag nagkakamali siya ay lagi siyang pinagbibigyan na makunan ulit.

Pagdating kasi sa pelikula ay kailangang marami siyang matutunan kung gusto niyang makilala bilang mahusay na dramatic actress hindi lamang sa small screen.

Ayon pa sa film director, limited ang range of e­mo­t­ions ng young actress at masyadong sarado sa pagbuhos ng kanyang puwedeng maibigay sa mga eksena sa pelikula.

“Nakailang takes si direk sa kanya. Lahat na nga ng dialogues ay ibinigay na sa kanya. ‘Yung leading man niya walang dialogue at makikinig na lang sa mga linya niya.

“Pero napansin ni direk, mas nangingibabaw pa rin ang leading man kahit walang sinasabi. Si young actress parang mine-memorize lang niya ang mga dialogue. Walang halong emotions. Para raw robot na nagsasalita,” kuwento sa amin ng isang crew.

Suggestion ng direktor ay mag-acting workshop muna si young actress bago nila ituloy ang shooting ng pelikula. Kung hindi pa rin gumaling, either papa­li­tan siya o ang leading man na lang ang gagawin niyang bida sa pelikula.

vuukle comment

ACTRESS

AYON

LAHAT

NAKAILANG

NALAMAN

PAGDATING

PERO

SHY

SOBRANG

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with