^

PSN Showbiz

Anak ni Erap mukhang dinamdam ang paghihiwalay nila ni Andi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

 

Nagpakita sa show ng Eat Bulaga sa London, England si Jake Ejercito, ang ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na biglang nag-babu pagkatapos ng kanilang breakup noong first week ng November.

Pumayat at lalong lumitaw ang pagka-mestiso ng anak nina Laarni Enriquez at former President Joseph Estrada.

May mga speculation na dinamdam ni Jake ang breakup nila ni Andi kaya nabawasan ang timbang niya. Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa pagbabalik ng mga reporter na kasama sa Eat Bulaga show sa London dahil siguradong tinanong nila si Jake tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Andi.

Marami ang nagtangka na mainterbyu si Jake at ang kanyang nanay na si Laarni pero nabigo sila. Pinili ng mag-ina na manahimik tungkol sa kontrobersiyal na split up nila ni Andi.                       

Katherine Luna pinanghihinayangan sa industriya

Sagana sa pagmamahal ang sexy star na si Katherine Luna dahil hindi siya nawawalan ng karelasyon.

Twenty-five years old pa lang si Katherine pero lima na agad ang kanyang anak, seven years old ang panganay at kapapanganak lang niya noong Oct. 26.

Marami ang nanghihinayang kay Katherine dahil walang direksiyon ang kanyang career. Sayang ang husay niya sa pag-arte.

Kung magseseryoso si Katherine, hindi siya mawawalan ng project dahil may lugar sa showbiz ang mga katulad niya na may talent sa acting.

Sugat ni Alyssa kumikirot pa

Nag-report na si Alyssa Alano sa Startalk noong Sabado pero umuwi agad siya, bago pa man matapos ang aming show.

Kumikirot ang sugat niya resulta ng car accident kaya umuwi siya sa kanyang bahay para magpahinga.

Ilang linggo na ang na­­­kalilipas mula nang ma­ak­sidente si Alyssa. Gu­­ma­galing na ang kanyang sugat pero sariwa pa ang loob nito. Nagka­roon ng sugat ang TV host dahil sa bakal na tumusok sa kanyang tagiliran.

Alessandra ni-reinvent na ang sarili

Marami ang gandang-ganda sa teaser ng Pahiram ng Sandali, ang primetime show nina Lorna To­lentino, Dingdong Dantes, San­dy Andolong, Max Collins, Alessandra de Rossi, at Christopher de Leon sa GMA 7.

Halos araw-araw ang taping ng cast ng Pahiram ng Sandali dahil magsisimula na ito sa Nov. 26. Ibang-ibang Lorna ang mapapanood sa bagong dra­ma series ng Kapuso Network. Tiyak na pag-u­u­sapan ang mga eksena ng tarayan nina LT at Ales­sandra at ang romantic scenes nina Dingdong at Lorna.

Bumagay kay Alessandra ang short hair dahil nagmukhang bagets at fresh ang kanyang hitsura. Perfect timing ang reinvention niya sa sarili.

Alex Medina napalapit kay Alfred Vargas

Anak ni Pen Medina si Alex, ang guma­nap na Pro­copio Bonifacio sa Supre­mo, ang pelikula tung­kol sa buhay ni Andres Bonifacio na pinagbibidahan ni Quezon City Councilor Alfred Vargas.

Si Procopio ang younger brother ni Andres. Nagpapasalamat si Alex dahil nabigyan siya ng chance na makabilang sa cast ng isang historical movie. Siya ang madalas na kasama ni Alfred sa mga eksena bilang magkapatid ang mga papel na kanilang ginagampanan.

Showing sa mga sinehan sa Dec. 5 ang Supremo.

 

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

ALEX MEDINA

ANDI

DAHIL

EAT BULAGA

KATHERINE LUNA

MARAMI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with