^

PSN Showbiz

Bea hindi tanggap na tawaging ‘Superstar’

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Marami pa raw kakaining bigas si Bea Alonzo bago siya maging karapat-dapat sa titulong superstar na ikinakabit sa kanyang pangalan ngayon. Sa kanyang kredito ibinibigay ang tagumpay ng The  Mistress na hindi lamang matagumpay na tinanggap ng manonood sa punto ng box-office kundi sa galing din ng pag-arte na ipinamalas niya.

Ngayon, may bago siyang teleserye, sila ni John Lloyd Cruz na sa trailer pa lamang ay nagpapakita na ng kagandahan hindi lamang ng mga tanawin sa Austria na ginamit kundi maging ng istorya. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ito ng maraming manonood,

John at Carlos, binubuhay ang Rap

Kung ganyang dala-dalawa ang nagtatangkang ibalik ang rap sa kasikatan, paano ba naman ito hindi magkakaroon ng kaganapan.

Si John Rendez ay suportado ng Superstar na si Nora Aunor and with Nora behind him, meron bang puwang para sa kabiguan para sa nagbabalik ding rapper? Napakinggan ko personally ang album na pinamagatan niyang muli ng Metal Dog at na-impress naman ako sa mga rap songs na nakapaloob dito na ginawa niya mismo. Magaganda!

Kailangan lamang ay personal itong i-promote ni John para malaman ng lahat ay maging mabenta.

Isang rap album din ang ginawa ni Carlos Agassi na ang naging inspirasyon at nagtulak sa kanya ay ang Fil-British na modelong gf niya. Walang balak si Carlos na marinig ito ng publiko, until hikayatin siya ni Margo na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Ngayon, hindi lamang visible ang isa sa mga Hunks meron din siyang bitbit na isang magandang proyekto at gusto niyang ipabatid na walang katotohanan ang mga tsismis na nagsasabing may sakit siya.

Dingdong susugalan si Marian sa pagiging super hero

Tama lang na ipag-prodyus ni Dingdong Dantes ng pelikula si Marian Rivera. Sa naging tagumpay ng Tiktik, kaya niya kahit ‘yung magastos na pelikula na kailangan ng special effects. At kung masusunod ang gusto niyang gawin itong super hero, sino ang makakapigil sa kanya? Pero dapat pagawa siya ng isang istorya na magiging kakaiba sa mga nagawa na nito. Bagong heroine naman. Kundi baka mauwi lang sa wala ang kinita ng Tiktik.

 

vuukle comment

CARLOS AGASSI

DINGDONG DANTES

FIL-BRITISH

JOHN LLOYD CRUZ

MARIAN RIVERA

METAL DOG

NGAYON

NORA AUNOR

SI JOHN RENDEZ

TIKTIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with