^

PSN Showbiz

Kuya Germs tuloy na sa pulitika?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Suportado naman daw ni Dra. Vicki Belo ang showbiz career ni Hayden Kho kung sakaling gusto na nitong mag-concentrate sa pag-aartista.

Tuloy pa rin naman daw ang pagtrabaho ni Hayden sa Belo Medical Group. Hindi naman daw pakikialaman ni Dra. Belo ang showbiz career ng dating kasintahan, pero kung talagang kailangan ang suporta niya nandiyan lang daw siya dahil nanatiling magkaibigan sila.

Pagdating sa posibilidad na pagbabalikan ay iniiwasan na ni Dra. Belo na mas gusto na lang mag-concentrate sa bagong promo nito na Belo Beauty Issues na kung saan iba’t-ibang treatment ang ipinagawa ng mga bago nilang endorsers na sina Coco Martin, Grace Lee, Phoemela Barranda, at Jennylyn Mercado.

PAK: May kumakalat na isyung tatakbo raw bilang alkalde ng Quezon City si German Moreno.

Nang nakorner namin ito sa birthday party ni Sen. Bong Revilla nung nakaraang Lunes, tipid lang ang sagot nitong; “Abangan n’yo na lang ang susunod na kabanata.”

Sinundan namin ng tanong kung meron nga bang nag-aalok sa kanyang pasukin nag pulitika; “abangan nyo na lang,” makahulugan niyang sagot.

BOOM: Hinahamon ni Atty. Ferdie Topacio si Bea Binene at ang ina nito na idemanda siya para lumabas ang katotohanan tungkol sa isyung nakialam ito sa isyu ng young actress na kakasuhan ang radio jock ng LS-FM na si Papa Dan.

Lumalabas kasing nagkaroon ng misrepresentation dahil sa pagpursige raw ni Atty. Topacio na idemanda ng Child Abuse si Papa Dan.

Ayon sa ina ni Bea, nagkunsulta lang sila kay Atty. Topacio sa posibilidad na pagdemanda kay Papa Dan pero wala raw silang alam na nagsampa na ang naturang abugado. 

Ang sabi na lang ni Atty. Topacio, ituloy nila ang pagdemanda para lumabas daw ang buong katotohanan.

Hindi lang daw siya makapagkomento sa nga­yon dahil pinanghahawakan daw niya ang lawyer-client confidentiality.

vuukle comment

BEA BINENE

BELO

BELO BEAUTY ISSUES

BELO MEDICAL GROUP

BONG REVILLA

CHILD ABUSE

DRA

LANG

PAPA DAN

TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with