^

PSN Showbiz

Claudine at Smokey hindi rin lumutang komedyanteng nagki-claim na susunod kay Tito Dolphy hindi nagparamdam sa Alay Tawa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

 Bakit ba wala sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, at ang TV host-comedian na nagki-claim na susunod na Dolphy, si Willie Revillame sa Dolphy, Alay Tawa na ginanap last Wednesday sa MOA Arena? Sila ang hina­hanap ng ilang mga nanood ng presentation na eere sa tatlong channel kung saan nagsiksikan ang mga sikat na alaga ng tatlong network – ABS-CBN, GMA and TV5.

Miss na miss ang presence nila dahil identified silang tatlo sa namayapang comedy king.

Sina Claudine at Smokey siyempre ay nakasama nang matagal ng come­dy king sa Home Along Da Riles bilang mga anak niya. At nagsalita sila sa lahat ng tribute ni Tito Dolphy nang namayapa ito. Pero kung kailan naman malaking event, saka sila nawala sa eksena.

Si Revillame ay alam ng lahat na nagsasabing siya na ang susunod sa yapak ng comedy king. Tumulong din siya sa pagpapagamot ni Tito Dolphy bilang ganti rin sa ginawa namang tulong ng comedy king sa kanya noong panahong sadsad pa siya at hindi pa natutulungan ng ABS-CBN na makabalik sa TV.

Lahat ng event ni Tito Dolphy andun siya at nang mamatay ito, naging visible din siya. Pero sa Alay Tawa, wala rin siya. Hindi nagparamdam kahit sa video message man lang ang TV host-comedian kaya pansin na pansin.

Si Willie ay nasa TV5 kaya puwedeng ni-represent niya ang network na pag-aari ni Mr. Manny Pangilinan, pero hindi nangyari.

Sa kabuuan ay kahanga-hanga ang naging presentation ng Alay Tawa na produced ng grupo ni Eric Quizon.

Gelli mas magaling pa kay Amy sa face to face

Loyal na loyal sa programang Face to Face ang mga staff ng Bambbi Fuentes Hair and Make Up Studio (Men and Women) na si Gelli de Belen ang host ngayon.

Enjoy silang manood sa programang ang pinag-uusapan ay tungkol sa kababawang problema ng mag-asawa, magkakaibigan, kapitbahay, at kung anik-anik pa. Keri na ni Gelli ang pagho-host. Actually hindi mo iisipin na replacement lang siya ni Amy Perez.

Parang mas magaling pa nga siya kay Amy na buntis na buntis ngayon.

May nagkuwento na hindi rin naman naapektuhan ang rating ng show kaya parang hindi rin naman naka-bakasyon ng original host.

By the way, nasa Timog Avenue ang salon ni Bambbi na make-up artist ni Marian Rivera at maging ni Gelli de Belen at ng marami pang artista.

‘Kahit sino sa inyo walang karapatang humusga’ - Angelica

“Ayusin n’yo muna ang mga buhay ninyo. Tapos isa-isa ko kayong papa­lakpakan. At sasabihing…ayan ang huhusay. Ngayon puwede n’yo na akong husgahan kasi perpekto na kayo. Kaso nga lang, walang perpekto. Kaya hindi mangyayari ‘yun. Kahit sino sa inyo, walang karapatang humusga. Hiyang-hiya na ako sa malinis ng iba. Sakit sa bangs! ‘Wag ninyong paikutin mundo ninyo sa akin. Hindi ako ang sagot sa kahirapan o global warming. O siya, ‘yun lang,” litanyan ni Angelica Panganiban sa social networking site na Ins­tagram.

Wala siyang direktang binanggit na pangalan. Pero sino ba ang nakikialam kay Angelica?

 Kilala sa pagiging palaban si Angelica, wala siyang uurungan kaya hindi na bago ang ganitong statement niya.

Obviously mga taong nakikialam lang sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz ang pinatatamaan niya.

vuukle comment

ALAY TAWA

AMY PEREZ

ANGELICA PANGANIBAN

BAMBBI FUENTES HAIR AND MAKE UP STUDIO

BELEN

GELLI

PERO

SIYA

TITO DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with