^

PSN Showbiz

AiAi misis na misis na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Matatandaan na unang napabalitang nagpakasal si AiAi delas Alas sa kanyang mas nakababatang boyfriend sa Amerika. For a while kahit marami ang excited na malaman ang kanyang love story na humantong sa pagpapakasal nila, nagpasyang manahimik muna ng komedyante pero kahapon sa Kris TV, ayaw man niyang aminin ay halata naman na may nangyari nang kasalan sa kanila ni Jed Alvin Salang. Mukha naman siyang maligaya.

Enrique Gil parang utol ni Billy Crawford

Na-meet ko recently si Enrique Gil at talaga namang namangha ako sa malaking pagkakahawig nila ni Billy Crawford. Kung hindi ko lang lubos na kilala si Billy, sasabihin kong magkapatid sila.

Sana pati sa ugali ay maging magkahawig sila, then I will be sure na mabait din ang Kapamilya actor. Si Billy ay napakabait na bata. Para ko na ring anak at parang nakababatang kapatid ng anak kong si Federico.

Bagets sa artista search lumanding sa hospital

Parang nakabalita na naman ako ng isang participant sa ginaganap na mga artista search na lumanding sa ospital. Dahil daw sa stress at pagod?

Oooopps, kwidaw naman tayo. Mga bata pa ang mga ’yan at hindi pa kaya ’yung mga kinakaharap na stress. Gusto lang nilang maging artista at I’m sure hindi nila expected na ibayong hirap ang susuungin nila. Kaya intindihin na lang n’yo sila at huwag namang masyadong pahirapan sa katawan at isip. Okay po ba?

Sa mga ginaganap na artista search ngayon, lalo lang nami-miss ang That’s Entertainment na sa totoo lang ay walang na-stress na member, lahat sila nag-enjoy.

vuukle comment

AMERIKA

BAGETS

BILLY CRAWFORD

DAHIL

ENRIQUE GIL

FEDERICO

JED ALVIN SALANG

KAPAMILYA

KAYA

SI BILLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with