^

PSN Showbiz

Agot pinapaikot si Raymond

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatanungin ni Carlos (Raymond Bagatsing) si Leila (Agot Isidro) kung anak ba niya talaga si Elize (Louise delos Reyes) — pero makakalusot pa rin si Leila, gamit ang kaniyang medical knowledge.

Kampante si Leila na napaikot na niya si Carlos sa ibinigay niyang sagot tungkol kay Elize. Pero ang hindi nito alam ay nagpunta na si Carlos sa doktor ng kinikilalang anak para humingi ng blood sample. Dahil magpapagawa siya ng paternity test para mapatunayan kung anak nga ba niya si Elize! 

Makakahanap naman ng suwerte sina Elize nang makasalubong nila si Iza (Mayton Eugenio) habang papunta sa bahay ni Mayor. Malalaman ni Elize na magkapareho ng blood type ang kaibigan at boyfriend, kaya si Iza na ang magpiprisinta na mag-donate para kay Tisoy (Alden Richards). 

Makakaligtas na si Tisoy mula sa panganib, at makakahinga na ng maluwag sina Lola Tilda (Caridad Sanchez). La­king pasasalamat naman ni Elize sa kaibigan, na kahit hindi gusto ang boyfriend niya ay nagawa pa ring tumulong — na siya namang himutok niya sa amang walang ginawa.

Magkakaroon naman ng moment sina Elize at Dyna (Ana Capri) kung saan masasabi ng huli na naaalala niya ang anak niya sa dalaga. Na siya na­mang aabutan ni Leila, kaya dali-dali nitong ilalayo ang pinalaking anak. Pero hindi papayag si Elize. Maninindigan ito na hihintayin niya ang paggi­sing ni Tisoy.

Malalaman naman ni Ellen (Jean Garcia) mula kay Marla (Winwyn Marquez) kung nasaan si Elize at agad itong pupunta sa ospital na kinalalagyan ni Tisoy. At dito ay maghaharap silang muli ni Dyna na magtatanong kung inaakala ba talaga nitong anak niya si Elize.

Sa pag-uwi ni Elize sa bahay ng mga Samonte, magkakabanggaan na naman sila ni Marla. At windang si Leila nang mauwi na naman ito sa pagkahimatay ni Elize.. malalaman nilang maaaring nag-remission ang tumor ang dala­ga!

Abangan ang mga kaganapan sa One True Love sa GMA 7 gabi-gabi.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ANA CAPRI

CARIDAD SANCHEZ

DYNA

ELIZE

IZA

LEILA

NIYA

TISOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with